rebyu ng ..seatbelts

Oktubre 31, 2004

http://pinoyweekly.org/pw3-40/kult/kult_1.htm

Kapit Lang



Quentin Remontino

Rebyu ng Please Fasten Your Seatbelts

Ikalimang koleksyon ng mga tula ng Kilometer64(http://groups.yahoo.com/group/kilometer64/)

Sadyang pagbibiyahe ang tema ng mga koleksyon ng Kilometer64 (KM64), isang kulumpunan ng mga kabataang makata na naglalakbay, tumatambay, at nagkatagpu-tagpo sa isang sulok sa malawak na cyberspace.

Ayon sa mensahe sa kanilang webpage: “Dito sa grupong ito, di kailangang magpagalingan, magpalaliman, ang mahalaga makagawa ka ng isang tulang magbibigay katuturan sa tintang iyong sinayang,” Nang-aanyaya ito ng bukas na pagbabahaginan at palitang-kuro sa anumang hinggil sa tula. Sa huling bilang, mahigit 300 na ang miyembro ng KM64.

Sino ang naaanyayahan? Ang KM64 ay “pinasimunuan” ng ilang mga estudyante sa Taft Avenue. Ikalimang koleksyon ang Please Fasten your Seatbelts na tinipon sa loob ng mahigit isang taon ng isang grupo ng mga manunulat na naglalathala at nakikibahagi sa mga poetry reading at iba pang pagtitipon hinggil sa tula.

Ito’y bukas sa lahat, bagamat matingkad sa mga umiikot na tula sa web ang panlipunang komentaryo at kalakhang paggamit ng wikang Filipino. Mangyari pa’y tila may “di nasusulat” na pagkakaunawaan ang mga taga-KM64 sa pagiging “makabayan” ng kanilang panulaan. Sa pangalan pa lamang, maiisip na ang 40 taon ng Kabataang Makabayan o KM na itinatag noong 1964. May tendensiyang malito ang usyoso sa direksyon ng KM64, lalo kung ang grupo ay makakasalubong lang sa internet. Maaaring hindi rin malinaw, kung bakit pinararangalan sa koleksyon ang mga rebolusyonaryong martir at makata gaya ni Wilfredo Gacosta. Ngunit sa introduksyon ng chapbook, naging malinaw si Alexander Martin Remollino ng KM64: “(ito’y)…mga tula ng pakikibaka para sa bayan…mga tula ng pagtalunton sa salimuot ng buhay.”

Paano ang pagtalunton sa pagtula para sa bayan? Sa unang bungad pa lamang, nagpapaumanhin na ang “Naligaw sa Pagtingin” ni Mary Jane Alejo ( “sadyang di pantay ating mga paa/ at kaya mo pang lakbayin ang ilang libong milya…/ may kalituhan man sa pagitan ng damdamin at tunguhin — / natuto na akong hindi maligaw sa pagtingin.”)

Magtatanim ng pangamba sa mambabasa kung ituturing na “manifesto” ng grupo ang tulang “kip tiket por inspeksyon” ni Roy Monsobre: (kahit ano pwede/ kahit sino, anumang uri,/ kahit anong lengguwahe,/ kahit anong klase at istilo./ animnapu’t apat na kilometro…/). At sa chapbook, bagamat marami ang mga tulang “makabayan,” ito’y hindi nakaligtas sa mga tula ng tulirong pag-ibig, mala-ars poetica (“Ang makata’y magiging abo rin,/ ngunit hindi ang kanyang/ sipol at halina.”), ng rebeldeng psychedelia ( “toastedmarshamallow sa planet garapata”), at ng mala-Jose Garcia Villa na pagbibida (“Ang kinahinatnan ni Juan Tamad Habang Naghihintay Mabagsakan ng Bayabas sa Ilalim ng Puno ng Mansanas”).Sa pagpasada sa chapbook ng KM64, matingkad ang dalawang suliranin ng sinumang nagnanais na tumula para sa bayan. Ang una ay sino ang bayan, at para kanino ang tula? Ikalawa’y paano? Paano maglilingkod sa bayan ang makata?

Ipinamamalas ng ilang tula ang karanasang aktibista sa lungsod. Ang “Araw ng Pagkakaibigan at Walang Tigil ang Ulan” ni Alejo, at isang halaw, ang “May Day” ni Spin ay parehong pumapaksa sa mga eksena sa isang rali.

Ngunit sa “May Day,” isinisiwalat: “tulad ng tipikal na coño/ Dapat sana’y nanonood/ Tayo ngayon sa Greenbelt 3…/ Pero para tayong nalilibugan/ tila may kumakati sa ating isipan…/Kaya agit tayong tumungo sa Recto…/ Sumigaw // ‘IMPERYALISMO, IBAGSAK!” Hindi mawari kung ito’y pagpuna (o pagkutya)-sa-sarili o seryosong pagpupugay para sa kagitingan ng uring perti-burgis.

Paliguy-ligoy ngunit literal si Rustum Casia sa “mars, intra at tamang pagdura ng plema”: “Ang langit sa piling ng masa. Ang makulay/ na kalawakan ng mga salita. Ang/ gobyerno sa kabundukan…/naroon ang mga guro ng kasaysayan./ ang lipunan para sa atin, isang malaking/ pamantasan.”

Sa mga tula na nagpapakita ng pakikisangkot, simple at tiyak ang mensahe ng mga tulang “Gayagaya” at “Sabjektib kayo dyan” ni Roberto Ofanda Umil (bagamat maaaring pagmulan ng kalituhan ang mga pamagat). Samantala, may malalim na lungkot at pananalig sa “Walang Gabi” ni Umil. Sa tula, ang panunupil ay pambihirang itinutuon hindi sa mga karaniwang aparato ng estado o makapangyarihan. Ang nananaig ay ang personal na kaalaman, pananaliksik o paniniwala upang makarating sa “himlayang walang gabi.” Kung sa husay lamang ng imahe ay naiiba ito sa iba pang mga tula ng premyadong si Umil. Ngunit ano naman ang nais iparating?

Mahusay ang paglalarawan at komentaryo ng prosang tula ng “Seryeng-Hotel” ni Kapi Capistrano (“Banyo Boy,” “Ang Restawrang Itim” at “Eden”), ngunit bakit nga ba ang kanlungan ng mayayaman ang sinisilip at naging paksa? Ang “Mucha’s Grasa” ay nagtatangka sa paglalantad ng kalagayan ng maralita, ngunit sa kanino nga bang punto de bista at lengguwahe?: (“madalas kasi ‘on the road ako’/ kaya eto ‘diet’…/ ako’y isang pulubi/)

Tila nahuhumaling sa imahe ng kabaliwan si Remollino sa “Ang Lalong Baliw,” “Baka Sakaling Tubuan ng Katinuan” at “Emperador Nero, AD 2004.” Sa huli, waring hindi nagtitiwala ang makata na mauunawaan ng mambabasa ang alusyon kay Nero, kaya’t may talababa na mas mahaba pa kaysa sa mismong tula!

Naghahamon naman ang tulang walang pamagat ni Usman Abdurajak Sali: “sa mga bulaang pantas ng panitikan…/ nakangisi silang nakaupo sa matatayog na toreng-garing./ sila ang nagtatakda kung anong estilo ang makasining…/ ay! magiging abo-alikabok ang makukulay nilang balahibo!/ ang maniningil sa kanila’y apoy ng galit ng taas-kamao!”

Ito ang pagtatangka at simulain ng KM64 na kayang marating sa patuloy na pagsisikap ng grupo. Para sa maraming kabataang manunulat, matagal nang hinihintay ang isang organisasyon na may kababaang-loob (tulad ng “maamong baka” ni LuHsun) upang lumikha, magsuri, magpunahan at maglagom. Organisasyong patuloy na magpapaunlad at magpapayabong sa makabayang panulaan.

Marami pa ang maaaring paunlarin sa panulat ng mga taga-KM64. Maaari itong simulan sa tapat na pagsusuri sa sariling pinagmulan at paninindigan, at muling-paghuhubog ng isang makauring pananaw na tiyak na kumikiling — hindi sa peti-burgis — kundi para sa masang anakpawis.

Marahil ay hindi naman labis kung ating aasahan sa KM64 ang ibayong pagpupursige, at sa malao’y ang pagtahak sa rebolusyonaryong tunguhin na ibinandila ng KM noong 1964 o Panitikan para sa Kaunlaran ng Sambayanan o PAKSA noong 1971. Tungo sa isang masalimuot na paglalakbay, kapit lang!

kay atorni casia

Oktubre 28, 2004

death aniversary ng aking ama ngayong araw na ito,
so yun.
magandang gabi po, Atty. Rustico Arbloleda Casia.

gf ko na sha ngayon

Oktubre 25, 2004

excactly isang taon. naka-chat ko ang isang uhm..napaka-imporatanteng kaibigan.

ok fast forward. isang oras lang ako.

actully di sha ang naka chat ko. kapatid nya.

chat lang kame ng kapatid nga blah blah blah..tas sa kalagitnaan, nagpaalam sha na aales muna.

may pupuntahan daw na party. so alangan naman pigilan ko. so yun naiwan ako. so ginawa ko yung mga ginawa ko nun. obyusli wala na sha, pero di pa ren sha nag sa sign out. nasa bahay lang naman kase sha kaya ok lang. so yun fastforward…

tas bigla, nag buzz ulet sha.

actully di pala sha yun.

eto na sha, yung sinasabi ko kanina.

ok shang kausap. intellectual yung usapan namen.. mula sa pag-bagsay ng imperyo ng roma..hanggang sa mga ipinaglalaban at kung paano pinatay si beng hernandez. ok talaga sha.

inivite ko sha sa egroup. sumali naman sha.

fastforward..

tinanong ko ulet kung ano yung pangalan nya [kase baka niloloko lang ako nung kapatid nya]..

sabi nya, di na raw sha yun, yung ka chat ko na kapatid nya ay naliligo na.

tinanong ko ulet yung pangalan nya.

roma, sabi nya.

meet the parents

Oktubre 24, 2004

napanood ko kagabe yung meet the parents, isang pelikulang tungkol sa isang binata na dumalaw sa mga magulang ng kanyang fiancee. obyusli, strikto masahdio yung tatay, na dating CIA pala. so lahat ng pang titiktik ay ginagawa nito sa binata para makahanap ng butas na wag sha ang makatuluyan ng anak nya for the reason na,

“mas marami pang mas..kaysa sa binata. ganun pa man, happy ending pa ren naman. na realize kase ng tatay na

mas mahalaga ang kaligayahan ng kanyang anak.

tumatawa ako the entire movie pero sa likod nun naisip ko den, gaano nga ba kahirap yung ayaw sa yo ng mga magulang ng karelsyon mo? uhm. mahirap yun. olats. yun bang, gusto mo shang makasama ng habang buhay pero, yung makapamasyal kayo ng isang hapon ay kay hirap ipagpaalam.

guts na lang siguro. a lot of. at shempre..

..one big love.


..sa conspiracy. isang miyerkules. dis oras ng gabi


sumali po tayu sa gawad ka amado2004.


ludys lugawan ni manix abrera,galing sa pinoyweekly

mejo napagod ng husto kaya mejo nagkasakit

kaya ngayun lang ulet nakapagnet..

kaya yun..salamat sa lahat ng nagpunta sa

poetry reading..

lusong..DK..earthfish fish..

chong gelas..

MP PUP.. orgasm addicts..

burning angels..nd go girls..

abet..

sa mga nagbasa [di ko na iisaisahin]..

sa mga nagtanghal..

salamat den sa up underground music community..

sa conspiracy..kei ser vim..

salamat.

po.

sa muli.

Hinuli Ka Habang Nagdidikit ng Poster na

“ITAAS ANG PRESYO NG PALAY SA KINSE PESOS,”

Kinasuhan Ka ng Sedisyon

Bertdey mo.

Mag-aawitan ang kapwa mo preso.

Hihipan mo angpinag-ambag-ambagang keyk

ng mga nag-bi-bidyil na kasama,

at mag-wi-wish.

sana sa paglaya ko,

hindi lang dito,hindi lang ako.

Gusto ko kasama ko ang mga dahilan

kung bakit ako napunta dito.

—–

sa kasalukuyan umaabot lang sa anim na piso hanggang

otso pesos ang halaga ng palay.

wag kang mawawala.

Oktubre 18, 2004

actully dapat pahinga ako..kase mamaya for sure ngarag to the max..

pero nung inaayus ku na yung mga chapbuk..linsyak.. me kulang na pahina..

so..eto..magpaparepro ulet ako..dumaan na ren ako dito para mag invite tsaka..

ayun po..

poetry reading

nine to twelve

consiracy, visayas ave.

[sa mga di alam papunta sa conspiracy.

sakay kayu ng philcoa, fairview(kung galing kayu ng

espana]tas baba kayu ng cityhall ng qc..may mga

jeep dun..tanong nyu sa mga barker kung alen yung dadaan

sa visayas..buong puso nilang ituturo sa inyo. tas pag nakita nyu na

yung shell gas station, baba na kayu dun. tawid. yun na.]