17th floor
Pebrero 27, 2005
all these sleepless nights
Pebrero 23, 2005
In Support of the Nomination of Bienvenido Lumber…
Pebrero 21, 2005

In Support of the Nomination of Bienvenido Lumbera as National Artist
Kilometer 64
February 19, 2005
We in Kilometer 64, a group of poets, support the nomination of Dr. Bienvenido Lumbera as National Artist.
As poets we have taken an interest in developments in the Philippine cultural scene. We are aware of the requirement that for one to be a National Artist, he or she should have made a significant impact on Philippine culture.
Not only has Lumbera made a significant impact on Philippine culture: he has contributed to the strengthening of what is Filipino in Filipino culture.
The removal of identity from consciousness was invariably among the devices resorted to by the Spanish, American, and Japanese colonizers in their bid to subjugate the Philippines. The effects of this on the Filipino psyche have stood in the way of genuine national development.
Lumbera contributed to the Filipinos? self-awareness by unearthing, through painstaking research, the achievements of our nation in the field of culture for the past several hundred years.
Aside from this, Lumbera has directly contributed to the further development of an authentically Filipino culture by creating poetry and drama reflecting the continuing Filipino quest for full independence, and by promoting through his critical studies the works of other artists who work along this line.
Lumbera has not only significantly affected Philippine culture. He has contributed immensely to the formation of a truly Filipino culture.
For this, he fully deserves to be conferred the National Artist award.
no to VAT
Pebrero 21, 2005
[r]
Pebrero 19, 2005
1320 espana
Pebrero 19, 2005
may masamang nangyari sa akin
nakatali ang aking paa’t kamay
nang matagpuan ang aking bangkay
sa ilalim ng tulay
pandacan.
sa isang tama ng balang
pumasok sa aking batok
na lumagos sa aking baga,
na lumabas sa aking dibdib
at bumutas ng paborito kong tshirt
na namantsahan ng sarili kong dugo.
di naman pala ako anemic
gaya ng gusto nilang palabasin
para lang mapilit nila akong matulog ng maaga.
sabado ng gabi nang lakarin ko
ang aking huling lakad,
inumin ang huling zesto walang straw
kainin ang huling siopao na walang sauce.
iyon din ang huling gabing
tumawag ako sa inyo-
nagtutulog-tulugan ka daw.
wala namang kakaiba ng gabing iyon
maliban sa isang tricycle
ang pumara sa aking harapan
habang iniintay kong mag-green
ang stoplight.
wala akong matandaang tumawag ako
ng tricycle.
pinilit nila akong sumakay.
di nila ako mapilit.
pero napilit pa rin nila ako
sa bandang huli.
may baril sila.
dinala nila ako sa bakanteng lote.
pinaluhod matapos piniringan.
di ako binigyan ng pagkakataon
na magtanong.
o gaya ni rizal ay maharap
ang aking kamatayan at sa huling
pagkakataon ay makita ang langit.
ang mga bituwin
at kung ano ang hugis ng buwan.
nagmamadali sila.
pero parang ang bagal ng oras
para sa akin.
narinig ko pa ang kasa ng baril.
tapos,
tapos wala na akong matandaan,
maliban sa sinabi mo nung huli tayong magkita-
na manunood tayo ng concert sa linggo.
wag kang mag-alala.
naalala ko ang sinabi ko,
ang pangako ko sayo-
di na ako male-late.
at sa kahit anong paraan
darating ako.
pramis.
we are nothing
Pebrero 19, 2005
tatlong beses akong nagpalit ng computer.
una dahil di gumagana ang mouse.
pangalawa, walang yahoomessenger.
at pangatlo, dahil may katabi akong
nagpe-piyesta sa hubad na katawan
ni halina perez.
di ko sya maintindihan.
marami akong di maitindihan.
bakit kailangan kong maglakad kahet may pamasahe.
bakit nag-iinternet ako kahet wala akong pera.
bakit ako nagtatanong kahet alam ko naman ang sagot.
nalimutan ko na rin kung anu ang ibig sabihin ng salitang “busy”.
ilan ba dapat ang ginagawa mo para masabeng
marami kang ginagawa.
gaano ba kalayo ang malayo?
gaano ba kalapit ang malapit?
pag katabi ba kita ibig sabihin malapit ka?
pag nasa kabilang espana ka ba malayo ka ba?
ewan.
kaya siguro lagi kong sinasabing
ewan.
basta.
i am fragile.
i am not astig as you think.
ni hindi ako marunong magsaing.
ang kaya ko lang lutuin ay
overcooked na instant pancit kanton.
nagagalit ako sa diyos
pag di ako makatulog
madalas kong napapaginipang may hawak
akong cactus.
i succumb pa rin to deeper despair.
isinusuot kong pilit
ang sapatos na di naman sukat sa paa ko.
wala na akong makitang tulad nya.
mas nanaisin kopang magpaa
kung di sya.
excited ang lahat dahil summer.
lahat gusto mag-swimming
maliban saken.
di ako marunong lumangoy,
kahet pisces ako.
mas marami akong gustong gawin
pag patay na ako.
pag di na ako kayang sukatin.
pag di ko na kelangan umangkop
sa standard ng “normal” na lipunan.
gusto kong maging hangin.
maging ulan.
maging bituwin.
maging bermuda grass.
maging ulan, maging papel.
maging tula.
nararamdaman ko.
naniniwala ako.
may ibang mundo maliban dito.
mula kanan: kris berse, alex, roma, rustum, psy, b…
Pebrero 17, 2005
need to be next to you
Pebrero 14, 2005
PAGKAT TAYO’Y NAGMAMAHAL Napopoot tayo pagkat n…
Pebrero 10, 2005
pagkat tayo’y saksi sa pangangalawang-
tulad ng turnilyo-ng obrerong bukal
ng ating hininga; sa pangangalirang.
lalo kung gapasan, niyang nagpapala
sa mga pinitak; sa pag-uumuga
ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha
na ikinadena sa asin at luha.
Kaya’t sumusubo ang hurno ng utak,
ang apoy sa puso?y lipyang tumatalas-
paniwala’t pasyang pinapaling lakas
na sa nang-aapi’y ukol ipang-aklas.
Napopoot tayo pagkat tayo’y nagmamahal;
nagmamahal kaya’t braso’y humahataw.



