Usap usapan sa isang noontime show ng isang malaking istasyon ang gender ng isa nitong host. bata pa ang host na ito. kataka taka na kahet gwapo naman, walang nalilink sa kanya. bukod pa dun, may isang portion ang show kung saan nagpapartner partner sila. katuwaan. one time, ipinartner sha sa isang actor-politician-host. ewan kung kakulitan lang talaga ng iba nilang kasamahan, binubuyo silang magkiss.
nung isang araw ganon ulet ang nangyari. sila ulet yung mag partner. dis time kahet audience nagsisigawan ng kiss. seryoso na yung batang host. di sure kung pikon na or naghahanda para umamin kung ano ba talaga sha.
eto yung punto ko. kung ganon talaga sha dat ba nya talaga aminin? samantalang iyon naman talaga sha. wala shang dat patunayan sa iba. kung yun sha, yun sha. labas na tayu dun.
wala shang dat aminin para saken. kung ano sha, yun sha.
kahit maraming kahit
mabuhay ka pa sana ng matagal.
kahit di ka normal.
kahit lagi ka umiihi sa higaan mo.
kahit di ka makatulog nang hindi ko kinakamot ang iyong braso.
kahit naglalaway ka pag nakasakay tayo sa jeep.
kahit tumatae ka sa diaper na di mo sinasabi.
kahit maaga kang nagigising.
kahit di ka tumitingin sa akin.
kahit di kita mautusan dahil di ka naman makatindig.
kahit ang kinakain mo lang ay durog na kalabasa
kahit di ka nakikinig sa’kin pag kinakausap kita.
kahit di ko pa naririnig mula sayo na mahal mo ako.
kahit di ko na marinig.
————
nakasakay kame kahapon sa jeep ni
roma galing ng mcccl convention. nung pumara sa jeep
ang isang inang kasama ang kanyang anak.
bumababa sila sa childrens hospital.
di ako makatingin sa bata.
may kapansanan sha sa pagiisip.

kamukha talaga sha ni..

Mayo 24, 2005


kamukha talaga sha ni..

songhits agen and agen

Mayo 19, 2005

the way you look tonight
frank sinatra
Some day, when I’m awfully low, When the world is cold, I will feel a glow just thinking of you… And the way you look tonight. Yes you’re lovely, with your smile so warm And your cheeks so soft, There is nothing for me but to love you, And the way you look tonight. With each word your tenderness grows, Tearing my fear apart… And that laugh that wrinkles your nose, It touches my foolish heart. Lovely … Never, ever change. Keep that breathless charm. Won’t you please arrange it ? ‘Cause I love you … Just the way you look tonight. Mm, Mm, Mm, Mm, Just the way you look to-night.

maytwentynine

Mayo 19, 2005

[MARCH29][SUNDAY][6-11PM][PURPLEHAZE] [MARKINA]
[PERFORMANCE POETRY FROM KM64]
[!]


unang naipost sa , BAKLAAN TIME blog.

wala lang gusto ko lang bigyang pugay sina dr. bet bet gaspar at dr. julius cidro. astig sila.

mayaman nga ako, sakitin naman. (buntong hininga. isa pa.)

-senyorita x, sa kanyang wheelchair sa lobby ng st lukes


—————
pag nagtitinda ka ng dried mangoes, kelangan todo smile ka. or else..

-boy cebu, tindero ng dried mangoes galing cebu


—————
gusto mo yumaman? mag caregiver ka. gusto mo gamiten propesyon mo to the fullest? punta ka sa silvino lobos.

-baryo doktor ng silvino lobos

call for entries

Mayo 16, 2005

“Inang bayan bakit may piring ang mata?May busal ang bibig, may takip ang tainga?May gapos ang kamay ng lumang kadena?”- “Mendiola,” Bienvenido Lumbera
Nalalapit muli ang selebrasyon ng araw ng kalayaan, ngunit alam naman nating lahat na hindi pa dumarating ang araw na ito.
Bilang selebrasyon ng araw ng kalayaan o pagluluksa dulot ng kawalan nito, nanawagan ang Kilometer64–pangkat ng mga progresibong makata–sa lahat ng nais magsulat o may naiimbak na tulasa anumang wika na umiinog sa temang ito: huwad at tunay na kalayaan, pang-aalipin ng mga magsasaka at manggagawa, pagpaslang samga mamamahayag at aktibista, imperyalismo, at iba pang partikular na paksa. Hinihikayat ding magsulat ng mga tulang may partikular natuon sa demolisyon ng mga maralitang taga-lungsod.
Ipadala lamang ang mga tula sa kilometer64@gmail.com, at magsama narin ng maikling profile ng makata. Maaaring magpadala ng mga tula hanggang ika-12 ng hatinggabi ng ika-30 ng Mayo ng kasalukuyangtaon. Lagyan ng subject title na “KONTRIB” ang bawat ipinasang tula.
Kung maaari rin sana, ang gagamiting e-mail sa pagpapasa ay aktibong binubuksan ng makata, sapagkat kung sakali, magpapadala ng pangkatng mga puna, komento at suhestiyon para sa rebisyon at muling pagpapasa ng tula. Hinihikayat, kung ganoon, na magpasa sa pinakamaagang panahon upang ma-rebyu agad ang inyong mga tula.
Bukas din ang kilometer64 sa pagpapasa ng mga dibuho at litrato na maaaring gamitin bilang filler sa koleksyon. Tinatayang mailabas ang kolesyon sa linggo ng araw ng kalayaan.

from pinoyweekly.org

Mayo 16, 2005


from pinoyweekly.org