rakenrol, glen

Enero 30, 2007

kung wala akong maisulat sa mga panahong ito. sa mismong oras na ito. gumawa ka ng kwento. isipin mong gutom ako, at iniiisip ko ay two piece chicken joy. isipin mong iniisip ko kung ano ang susunod na mangyayari sa jumong. isipin mo lahat ng pwede mong isipin. mag-isip ka para sa akin. 

magsalita ka para sa akin. por pabor.

pasakit para sa akin ang mag-isip.

———-

 Prayer- kapatid

 If I ever see you face to face again I’ll ask you why so soon and in your grand debut from death reborn again to life I pray I hate to see you haunting or in your private hell I hope you make it This prayer’s for you yeah Oh wax and wicker that burns throughout the night the light you shine makes me smile You are the candle that turns the darkness back estinguished fire All my life I know he’s waiting All my life I know she’s waiting.

———-

kay glen solinap..

kuha at dinesenyo ni markus. kuha sa pup sta mesa.

di pa ako mahilig magsuklay nung mga panahon iyan.

keber. 

aylabmayselp.

asan na kaya yung tshirt kong miss saigon?

 ***

“You are sunlight and I moon, joined here. Brightening the sky with the flame of love. Made of sunlight moonlight.”

           ~Kim and Chris, miss saigon

Aksyon Edukasyon together with Kax and
Jen Productions

present:

“A GOOD START”
A benefit concert for the children of
Mayamot Elementary School
on January 27 at Purple Haze, Tomas
Morato, 8PM

With performances by:
AGAPE
ANG BANDANG SHIRLEY
BOBBY BALINGIT
DEATH BY STEREO
DEGAGE
GAPOS
LOS CHUPACABRAS
MARFCREATURE
KILOMETER 64
and many more!!!

Tickets are at 150 pesos each with 2
free beers (And a free ice cream cone).

Every person counts. It’s rhythm for a
reason. It’s a good start.

For more details, text Kax at
0917-9959642 or Jen at 0917-8817391

—–

magpeperform po ako dito. tara po.

aloha milkyway

Enero 26, 2007

ako na yata ang pinakagutom na taong masasalubong mo sa quiapo.

nagsasalita mag-isa ang aking tiyan.

dying seconds

Enero 23, 2007

di ko alam kung anu ang uunahin kong isipin.

parada, mahabang prusisyon, parang isang malking rally ang laman ng aking utak.

concept paper.

ang isang dosenang sto rosario na kailangan kong ipinta.

ang nawawala kong envelop [na nakuha ko naman kagabe yet yet yet!]

ang result sa sta teresita.

tulad ng tv namen na ang hirap i-off, di ko maiwaglit ang lahat ng ito.

—-

wala muna akong iisipin, tutal tulog naman ang mehn ko eh.

SPAM

Enero 22, 2007

lumang tula, di ko alam kung baket ko ito ipinost. hal peace!

SPAM

Kalikasan na siguro ng isang tao
ang magdamot
paminsan-minsan.
Magkait ng upuan, ng kutsara,
ng tubig, ng oras,
ng higaan, ng unawa,
ng kumot at unan,
ng 1/8 yellowpad crosswise,
ng pag-ibig, ng kalayaan,
ng remote control ng TV,
ng pancit canton, at
pagkakataon.
Marami na akong naisulat
para sa iyo.

Ikagagalit mo ba
kung sabihin kong

ang tulang ito’y
hindi para sa iyo?

Sadly, dethroned na ang purefoods naming mahal.

huhu.

—-

waw nays wala na akong masabe.

bukod sa-

ako ang naggisa ng sardinas.

ang kewl ng hiwa ko sa sibuyas. artsy.

at di ako napaiyak.

ayus lang ang lagay ko ng asin.

tama lang.

anggaleng ko na magluto.

i lab myselp.

—–

absent ako bukas.

wala naman si teresita.

[pag tapos kong sumweldo teresita na lang ang tawag ko kay maam, bad]

—-

bukas mula paggising puro dos lang papanuodin ko.

pramis to myself.
 

Indiesine

Enero 20, 2007

January 25
11am – Bayaning Third World

January 26
11am – Todo Todo Teros
1:30pm – Ilusyon
4pm – Indie Giants
6:30pm – Rome and Juliet
9:30pm – Ang Daan Patungong Kalimugtong

January 27
11am – Riles
1:30pm – New Shorts
4pm – Ang Babae sa Breakwater
6:30pm – Kubrador
9:30pm – Huling Balyan sa Buhi

January 28
11am – Camiling
1:30pm – Mga Pusang Gala
4pm – Rigodon
6:30pm – Peopt Artista
9:30pm – Perfumed Nightmare

January 29
11am -
1:30pm – Sa North Diversion Road
4pm – Roomboy
6:30pm – C U T
9:30pm – Masahista

January 30
11am – Cavite
1:30pm – Sarong Banggi
4pm – Manoro
6:30pm – In the Red Corner
9:30pm – Tulad ng Dati

tickets at Php100 (boo-hoo, walang
student discount)


Invite

Enero 19, 2007

waw.

sa wakas nabuksan ko den ang WP.

wala naman akong maitype.

mag-iinvite muna ako.

baka sa proseso may maisip akong kashare share.

Live Action @ Plaza Moriones, in front of the Main Building St. Scholastica’s College, 4 to 6 pm, Monday, 22 January 2007

Vivian Limpin, Michael Ian Lomongo, Wawi Navarozza, Edwin Quinsayas, Yko Umadhay III

Forum at The Battig Room, 3rd Floor, Mechtile Building St. Scholastica’s College, 9 to 11 am, Monday, 22 January 2007

Speaker: Jose Tence Ruiz

Reactors: Iggy Rodriguez, Lito Mondejar

Moderator: Karen Ocampo Flores

—-

isang tibak na naman ang napatay sa northern samar.

isang titser na pinatay mismo sa loob ng klasrum.

tsk.

—-

may version daw ang bamboo ng tatsulok ng buklod.

sobrang gusto ko sha mapakinggan.

very karl marx kase ang kantang ito.

di kaya para sa tribute album ito ng buklod [kung merun man]

—-

natutuwa ako, ang dali ng pini-paint ko ngayun.

basta nakakatuwa.

—-

nasa p.s. daw ang mymp kanina.

may munting boses na sumisigaw mula sa aken..

sana niyaya ako ni woma na manuod.

—-

pyesta sa lipa bukas.

hapi pyesta sa mga kamag-anakan.

anu ga?

Post

Enero 11, 2007