Arrest Gloria Presents

Pebrero 21, 2007

Arrest Gloria Presents
ARTISTS’ VOTE AGAINST ELECTORAL FRAUD AND VIOLENCE
Feb. 26 and 28, @ mag:net Katipunan

Feb 26
5pm Screening of THE FOURTH WORLD WAR a film by BIG
NOISE

6pm – 9:30pm Poetry and Music
Bobby Balingit
Lourd de Veyra
Jess Santiago
Vim Nadera
Kilometer 64 Poetry Group
Datu’s Tribe
Agaw Agimat
Anak ni Aling Juana
Republika de Lata
Tolongues Death Squad

Feb 28
5:30pm Screening of BANTA NG BAYAN a film by TUDLA

6pm – 9:30pm Poetry and Music
Cynthia Alexander
Bayang Barrios
Dr. Bien Lumbera
Vivian LImpin
Peryodiko
Rockbato
Gapos
Traumaligno
The Brockas

akap

Pebrero 19, 2007

Adik yung dalawang babaeng nagpunta sa COMELEC para i-pa-discualify ang mga militanteng partylist.

Panalo naman yung pagkaka-spoof ni bitoy sa tv ad ni John Lloyd [biogesic].

Natapos ang UP fair [nga ba?] na hindi ako nakapanuod kahet isa, keber.

Narealize ko na di ko pala gusto yung manok ng Max’s. Pero nakaka-aliw na isang tusok lang humihiwalay na yung kukuhanin mong parte.

Nung linggo ko lang nalaman na may tradition pala sa pinas  kung saan pagkatapos ng isang binyagan suswertihin ang unang baby na mailalabas ng church.

2007 na yata ang pinakapanget na taon para sa NBA slamdunk contest. Judges pa naman sina mJordan, kBryant, at si air canada.

Nagpakalbo daw si Britney Spears, [hal, dis is guts!]

At nagpa-tattoo. 

Eternal embrace? Couple still hugging 5,000 years on

http://p282.news.mud.yahoo.com/s/nm/20070206/sc_nm/italy_embrace_dc

Hal, akap.

pagsuway

Pebrero 17, 2007

kabataan partylist video with dennis trillo, angel locsin, qt padua, ciara sotto, paolo ballesteros

and rico almonguerra. ahoi.

kabataan,

magtanong, maghamon, magtangka, makisangkot. 

naglalakad kang parang

walang tinatapakan. naririnig mo

lang ang iyong paghinga,

pagtibok  ng iyong puso,

at pleme sa lalamunan mong

di mo maidura. inuubo ka

na naman. may tuberkolosis ang

buong bayan.

hinamon ka ng buong mundo

ng suntukan. titingala ka

lang, titingin sa buwan.

di nila maiintindihan

kung saan mo hinugot ang

katotohanang sa abente

syete ng agosto dudungaw

ang pulang planeta

magpipista ang mga

mag – aaral ng astronomiya

pati na ang mga naglalamay

sa mga pader ng intra.

naiintindihan kita.

hihipan mo ang aking

napuwing na mata.

ikaw lang ang nakakaintindi

sa aking abnormalidad.

iisa ang ating mundo.

doon normal tayo. walang

magtatanong kung anong trabaho

mo at di susukatin ang

pagiging disente batay sa

haba ng buhok at kapal ng bigote.

bastos tayo sa kanilang mundo.

kasi tayo lang

ang pumapansin sa kabulukan.

nagwawalis tayo kahit gabi,

winawalis ang mga kabulukan.

ng mga estero’t palasyo.

pareho talaga tayo.

pareho tayong bumabalikwas

sa kalaliman ng gabi para lang

tumingin kung may dadaang bulalakaw.

tulad ng mga bulalakaw,

sana nakikita nila ang nakikita natin.

ang langit sa piling ng masa.

ang makulay na

kalawakan ng mga salita.

ang gobyerno sa kabundukan.

ang laot sa mata ng mangingisda.

basurahan, squatters area, piket line,

naroon ang mga guro ng kasaysayan.

ang lipunan para sa atin isang malaking

pamantasan.

nagbabadya man ng unos ang hanging

amoy asin, mananatili tayo dito

tanaw ang bagong tabas na damo, at

ihilig mo ang ulo mo sa aking braso.

ngayong gabing ang naririnig lang natin

ay ang paghinga

at pagtibok ng puso ng isa’t isa,

ituturo ko sa iyo

ang tamang pagdura ng plema

at pagsinga.

wag mo nang

pansinin ang mga nakatinging mukha.

matagal na tayong

namatay sa mundo nila.    

motorcade

Pebrero 11, 2007

Isa lang ang maipapangako ko kay Glenn.

Pipilitin kong maipanalo ang Kabataan Partylist. At si Rico.

ascorbic acid after taste

Pebrero 11, 2007

Sa pagmatay ni Glenn, isa lang ang narealize ng lahat sa amin. Maikli mashado ang buhay.

Maaring yakap kita ngayon pero mamaya, wala nang ganti or yakap back akong mararamdaman. Maaring sinasabi ko na ok lang ako ngayun pero mamaya parang kandila na lang akong nauupos sa iyong paningin. Na kahet ang pinamalakas mong iyak ay di kayang pigilan ang paghiwalay ng aking kaluluwa sa aking pisikal katawan.

Futile.

Opo, di guarantee na ginawa mo na ang lahat para maging okey ang lahat. Pero masakit na masarap mo pa ring maiisip na at least ginawa ko ang lahat. Walang “TSK” kang maiisip na baket di ko ginawa ang ganito, or baket di ko nasabi sa iyo ang ganoon.

Sa parangal na naganap, wala na sigurong mas makadurog–puso sa mga sinabi ni Mitch, na kahet sandali mabigyan sha ng pagkakataon para masabi sa kanyang nasirang kabiyak kung gaano niya sha kamahal.

Bitter.

Parang ascorbic acid.

posible?

Pebrero 5, 2007

Dear Globe subscribers and TXTPower friends,

Please join the campaign to stop the sudden, deceptive and warrantless
100-percent price increase of Globe’s unlimited texting service.

Read and sign the petition “Lakas ng abuso ng Globe, posible?!” at:

http://www.petitiononline.com/posible/petition.html

FIGHT FOR CONSUMER RIGHTS! STOP ABUSE AGAINST CONSUMERS!

More information about our campaign at http://www.txtpower.org

Tonyo Cruz
TXTPower
0917-8928277

(please pass)

parangal

Pebrero 5, 2007

sexy pala talaga si valerie concepcion.

talagang yun ang una kong naitype matpos ang ilang seryosong mga post.

siryus pa di naman ang mga araw ko.

bigla ko lang naalala si valerie kase may nadaanan akong mag stand.

niwey.

sa huwebes bibigyan namin ng parangal si kasamang glenn.

dalawa ang itatampok sa gabing ito:

una shempre, pahalagahan ang mga naging ambag ni glenn sa mga gawaing masa.

pangalawa pormal na ideklara ang suporta kay mitch [ang naulilang asawa] at sa kanyang mga anak [kay DY, at sa coming soon na baby]

dalawang araw akong pumunta sa burol.

magkaiba ang itsura ni glenn sa dalawang araw na iyo.

sabi ko nga kay woms, para niretouch. kase mapula sha. di tulad nung huling punta ko na amputi ng mukha niya.

magiging maikli lang ang programa. di aabutin ng isang oras.

ang lahat ng effort ay ibubuhos sa pinaplanong fundraising event.

ngayun pa lang hinihingi ko na ang suporta ng marami.

c5

Pebrero 4, 2007

Nakakalungkot na magaganap ang aming muling pagkikita ng mga lumang kaibigan sa isang burol. Nakakalungkot balikan ang mga alaala, [kahet yung mga nakakatawa] habang nagkukwentuhan sa tapat ng isang kabaong.

Hanggang ngayun  di pa ren kami makapaniwalang patay na si Glenn.

A GOOD START

Pebrero 1, 2007

Salamat sa gobyerno.

Shempre pakutya ang hirit ni Bobby Balingit [ng bandang The Wuds] nung bitiwan niya ang mga linyang ito sa pagtatapos ng kanilang set.

Salamat nga naman sa kalokohan gobyerno at natutong kumilos ang iba’t ibang sektor para ayusin ang toxic nating lipunan.

Di ko alam kung saan ang Mayamot Elem School na siyang bida nung gabing iyon. Pinangunahan ng AKSYON EDUKASYON, ang kikitain sa gabing iyon ay gagamitin para tulungan ang MES. Ang dineg ko gagamiten para sa mga guro na magtuturo sa mga estudyante.

Well, ang MES ay isa lang maliit na mukha sa isang napakalaking picture kung gaanu kaatrasado ang sistemang edukasyon sa Pinas.

Madaming Mayamot.

Sa pambihirang pagkakataon nakasama namin ang iba’t ibang banda mula sa sumisigaw hanggang sa kumakanta ng basta driver sweet lover. Maliban siguro sa Wuds, mga bagong mukha ang nakita ko.

Di ko na sisingilin ang sinseridad ng mga nagpunta at nagperform, ang mahalaga naging bahagi sila ng isang good cause.

Malalim na problema ito. Maaring di sapat ang mga efforts. Pero tulad nga ng titulo ng konsyerto-

It is, A GOOD START.

– 

JAN27