pilita mama mita
Abril 27, 2007
kay mithi,
hi.
nakikinig ako ng mga lumang kanta habang inaantay kitang matapos. kahapon pa akong ganito. naidownload ko nga kahapon yung bato sa buhangin at superstar ng buhay ko. ngayun naman yung swing ni sharon cuneta at vst and company. ang kwel eh.
nga pala baka bumili tayu ng maraming sapatos mamaya. mga tatlong pares.
anlaki ng headset dito, di ko tuloy madineg kung umuulan pa sa labas.
wala akong ginawa kanina kundi ipakain sa mga pulang langgam yung dala kong hopiang munggo. kundi pa siguro umulan baka di ko naalalang laging trapik sa bustillos.
nasa kalagitnaan nako ng post na ito nung marealize ko na dat email ito.
galing din ako kina chairwoman cao kanina. pinasa ko yung form ko para sa pagpopoll watcher para kay boots bacani [boto mo sha ha? taga oposisyon ito]. inaayus ko na yung listahan ko ng mga senatoriables ko. most likely yung inendorse ng mga militanteng partylist maliban siguro kay recto at kiko tas dagdag ko si trillanes at roco.
nakatingin ako sa poster ng Flyff. iniisip ko pa din kung panu ito basahin.
nakalagay pa din yung headset sa tenga ko kahet wala naman akong pinapakinggan.
antagal mo ah, bakla ka talaga.
marvin para sa Kabataan partylist
Abril 26, 2007
sa mayo katorse, ang iboboto ni marvin agustin ay Kabataan partylist, sana kayu din.
kiss.
dakilang layunin
Abril 26, 2007
kay jumong,
Tatlong araw ka nang di nagpapakita, nakakabahala na.
Marami na ang nangyari mula nung bigla ka na lang mawala. Wala pa ring malay ang erpats mo. Ang pasaway mong kuya na ang nagpapatakbo ng buong bayan. Ang jowaers mo? well, pinipilit pa din shang makasal sa kuya mo kahet ikakasal na ang kuya mo sa anak ng arch enemy ng erpats mo. Naisip ko, may pagkamaniac din talaga ang kuya mo. Di pa naikakasal nag-aalok na naman ng kasal.
Niwey, naitakas na ang panday mong kaibigan. Binantaan kase shang pupugatn ng ulo kung ipagdadamot niya ang sikreto sa paggawa ng espadang tatalo sa pinakamatibay na espada. Asteg talaga yung mga bata mo. Tatlo lang sila pero nagawa nilang walisin ang mga bantay. Anlupet.
Kaya lang yung babaylan nahuli, pero pinawalan din naman ng kuya mo. Yun lang, di naten alam kung anu ang plano niya. Alam naman nateng banta sa mga plano nila ang babaylan.
Magpapakita ka ba mamayang gabi? Pinapatanong ni mami gids.
Natetemp na nga ako minsang isearch yung episode guide niyo para malaman ko at mapanatag ang loob ko.
Nga pala sa lunes pa ata ang sweldo.
state of emergency
Abril 23, 2007
..all that no-one sees, You see, What’s inside of me, Every nerve that hurts, You heal, Deep inside of me, oo-oohh, You don’t have to speak, I feel.
-bjork,
Tahimik akong naupo sa pinakadulong parte ng double deck. Dito kasi nakatapat ang electric fan. At malapit dito ang upuang pwedeng pagpatungan ng pagod na mga paa.
Pagpasenshahan, maiines ka dahel nakatsinelas ako sa araw na ito.
—–
Walang nakakaalam na pawawalan niya ang nakakamatay na high kick na iyon. Siguro kahit siya. Pilipit ang paang bumagsak na walang malay ang kalaban. Ilang minuto pa ang inantay ng lahat para ibigay ang palakpak sa nanatiling nakatayo.
Walang dugo.
Pero amoy at lasang dugo.
—–
Ang naalala ko na lang may nagbibiyak ng yelo. May nagpapainom sa akin ng tubig. At may naguutos na magpalit ako ng damit.
kp
Abril 22, 2007
opo kuya
Abril 20, 2007
shhh. atin atin lang ito ah. may pagkaselfish ako minsan eh.
may meteor shower bukas. shempre gabi. [technically, madaling araw]
go.
yey.
INTERNAL COMBUSTION
Abril 13, 2007
purobulateanglamanngakingunan
ayawakongpatulugin
nagsasayawansilatuwingipipkitkoangaking
mgamata
ayawnilaakongpatahimikin
sinunogkoangunan
nagingboaconstrctornaman
angakingkumotat
nilingkisakohanggang
kamatayan
dead on the spot
Abril 13, 2007
nakupo sha dito kanina.
dito?
oo. jan .parang me malalim na iniisip.
uhm.
————
sino po kayo?
kapatid ko po sha.
sigurado ka?
opo.
———–
me problema ba sha?
wala shang nababanggit.
———-
nagbabasa ako ng dyaryo dito.
tapos?
tumabi sha sa akin.
tapos?
wala naman akong napansing kakaiba.
———-
oo, sha nga.
san mo sha nakita?
bumili sha sa akin ng marloboro kanina.
———
kausap ko po sha pero di ko sha kilala.
anu pinag-usapan ninyo?
wala naman po. tinanong lang po niya ako kung sa tingin ko totoong tinalo ni gloria si fpj. kung di po ninyo naitatanong, naging watcher po ako nung election sa amin sa dipolog.
———
nakisindi pa sa akin yan.
sigurado ka?
opo. kase tinanong ko pa kung anong oras na eh.
mga anong oras yun?
alas tres y media yung sabi nya, pero sabi rin nya advance daw yun ng 15 minutes.
——–
buddy me mga tanong ka pa?
wala na pre.
malabo to.
sus di ka na nasanay.
pero ang tapang ng loko eh no?
oo.
mag-isang nangholdap?
at pellet gun lang ang dala.
——–
ser, nahulog po ang bimpo nyo.
recipe
Abril 11, 2007
initlugang hot n spicy century tuna in tomato catsup
ingredients-
century tuna [hot n spicy]
isang itlog na puti
tomato catsup
panu lutuin-
buksan ang century tuna.
ilagay sa mangkok.
buksan ang itlog.
ihalo sa century tuna.
igisa.
wag mashadu sunugin.
hanguin sa prituhan.
ilagay ang tomato catsup.
haluin hanggang maging pinkish/redish.
pede na iserve
look at the stars
Abril 10, 2007
At sumubsob ako sa balikat mo at umiyak ng malakas. umiyak ng malakas na malakas. sobrang lakas at di mo na ako nakilala. sabi mo, di ka naman umiiyak ah? di ba? sabi ko, tange imiiyak din ako. ano ako bato? matatawa ka sana pero nakita mong may namumuo na namang luha sa kanang mata ko kaya ngumiti ka na lang at hinaplos mo ang aking batok. napaiyak na ako nang tuluyan. sabi mo tama na tama na- naiiyak ka na din. pero di ako tatahan at humahagulgol na ako ngayon. di mo na rin mapipigil ang sarili mo at iiyak ka na din. paluha-luha hanggang sa humagulgol ka na rin at ang buong kwarto ay mapupuno ng mga iyak. malalakas na iyak.
biglang may kakatok.
bigla tayong maghihiwalay ng yakap. magpupunas ka ng mata. haharap sa salamin at magsusuklay. ako naman ay magtatawag ng pusa sa bintana. magpapatuloy ang mga katok at bubuksan mo ang pinto. ang 5year old na anak ng kapitbahay ang makikita mong nakatayo. itatanong nya kung sino daw ang namatay. ngingiti ka kakargahin mo siya. isasara ang pinto. uupo at kakandungin mo siya. sasabihin ko sayo, kwentuhan mo siya tungkol sa kinuwento ko sayo dati tungkol sa dragon na nag-alay ng buhay para sa kaibigan niyang tao. kinilala ng mga diyos ang ginawang ito ng dragon kaya upang lagi siyang makita ng mga taong natulungan niya, ginawa siyang star. grupo ng mga stars.
kilala na siya ngayon bilang constellation draco.
sisilip ang bata sa bintana at titingin sa malawak na langit na animo’y binibilang ang mga stars. sasabihin ko sa kanya na, tulad ng dragon, ang lahat ng namamatay ay nagiging star. likas kasing malilimutin ang mga tao kaya naisip ng mga diyos na laging ipakita ang mga pumanaw kahit tuwing gabi lang sa pamamagitan ng mga star. sa gayon pwede nang kausapin ang mga pumanaw sa pamamagitan ng mga ito.
akala natin di nakikinig ang bata dahil tutok ang atensyon nya sa mga stars pero bigla siyang magsasalita,
asan kaya diyan ang tatay ko?
sasagot ako na tila kilala ang mga stars. sasabihin ko na hanapin nya ang pinakamaliwanag na star na kikislap. ililibot ng bata ang tingin at sesentro sa bandang kaliwa ng buwan. animo’y nakita ang amang kakadating lang galing sa opisina, naghuhubad ng polo, nagpapalit ng sapatos sisigaw ito ng- tatay!
titingin ako sa iyo. umiiyak ka pa rin. oo nga pala wala ka na nga rin palang tatay. tulad ko wala na rin akong tatay. lahat pala tayo dito walang tatay.
kaya kinuha ko ang kamay mo at hinila palapit sa bintana. sabay tayong tumingala at naghanap ng para sa atin ay pinakamaliwanag na star.
-lumang entry mula sa lumang blog
