isang bukas na liham ni JL
Mayo 27, 2007
Isang bukas na liham ni JL Burgos sa
kapatid niyang si Jonas Joseph Burgos
____________________________________
(Ang liham na ito ni Jose Luis Burgos,
kapatid ng dinukot na si Jonas Joseph
Burgos, ay nakapaskil kasama ng kanyang
larawan sa mga poster na makikita sa
mga pader, poste, kubeta at waiting
sheds sa Quezon City. Nagbabakasakali
ang kapatid ni Jonas na maantig ang
damdamin ng mga may pakana ng kanyang
pagkawala.
Pakiusap: magtulong-tulong po tayo na
ipalaganap ang mensaheng ito ni JL sa
kapatid nyang si Jonas. )
“Naalala mo nung kinulong si erpats, di
natinag ang pamilya. Ngayon sa krisis
na hinaharap natin lalong di matitinag
ang pamilya. Huwag kang magalit na
kinukwento namin sa mga kaibigan ang
pagkain mo ng tutubi, ang pagiging
pasaway mo nung bata ka pa. Kasi
kailangan nilang malaman na tao ka at
di hayop tulad ng mga dumukot sa ‘yo.
Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na tibayan
mo ang loob mo. Tandaan mo na ang iyong
paniniwala at paninindigan ay para sa
nakararami. Mas mahusay at matapang ka
sa mga may hawak sayo. Mga duwag at
traydor ang dumukot sayo.”
JL
tingin sa kanan
Mayo 23, 2007
Ang tindi ng ubo ng katabi ko sa bus kagabi. Sa gilid ng kanan kong mata nakikita ko ang malalamig na pawis na tumutubo sa mukha niya. Sa ilong, sa pisngi, sa noo, sa tagpuan ng dalawang kilay niya.
Naalala ko nung minsang ubuhin din ako ng grabeng ubo. Yung ubong parang katapusan na ng mundo. Yung feeling ko kulay violet na ako, ay hinde-
Blue green.
Tama blue green, kakulay nung chuck taylor ko dati.
Naisip ko sana namatay na muna ako kahet dalawang minuto, yung shutdown talaga. Yung tigil lahat ng sistema. Shempre temporary lang, yung magigising din ako pag may nagtext. Maliit na kamatayan lang para tumigil yung ubo ko. Para tumigil yung pagpapawis ko kahet sakin nakatutok ang aircon.
Bulag ako sa mga nangyayari sa labas.
Ang bintana ng inuupuan ko ay may nakadikit na dambuhalang sticker. Pangako ko sa aking sarili na pagbaba ko titignan ko kung anung meron sa sticker na iyon.
Feeling ko litrato ni James Yap.
Wala akong idea kung nasaan na ako. Ang meron lang ako ay maliliit na detalye sa kung anung mundo meron sa labas. Signage ng 711, DHL, Sr Pedro. Mercury Drug.
Poster ni Ali Atienza.
Ganito siguro ang feeling nung mga tripulanteng nasa pinakababang deck ng isang barko.
Ganito din siguro ang feeling nung mga asong dadalhin sa Baguio para gawing pulutan sa mga resto dun.
Ganito din siguro yung feeling nung mga tibak na isasalvage ng mga militar.
Nag-aantay kung saan titigil.
Pumara ako.
Ayaw tumigil ng bus.
burnt sienna
Mayo 19, 2007
Palabas mamaya ang pepot artista. Paaaaangalawang beses ko na itong napanuod. Ewan kung may kaugnayan ang pagkamatay ni yoyoy sa re-run nito sa local tv. May part kase dito si mang yoyoy. Wala naman siguro, kase may isang linggo na itong pina-plug sa Sinko.
Alas otso na. Kung aabutan ko ito malamang kalagitnaan na.
Pancit lang ang kinain ko kanina. May kaugnayan siguro ito sa mga kabalbalang nangyari sa kin. Toinks.
Yung isip ko pedeng ihalintulad sa paggiba sa Agora market. Ampanget.
Naisip ko si James Yap nung imintis niya yung lay up na magdidikit sana sa Pfuds sa redbull. Napatayo ako sa upuan nun. Napaupo ako tulad ng maraming napaupong nagtatanong kung baket nagmintis. Baket kung kelan patapos na saka nagkaganun.
Kung paano ako napaupo nuon ganun din yung pagkakaupo ko kanina. Malapit ko nang ikatuwa yung sa maghapong stint ko eh anglinis ng trabaho ko. Finishing touches na lang, Aylabet na.
Yung kamalasan parang pusang inililigaw. Laging naghahabol.
Dumikit sa basang pintura yung isang side na pinipintahan ko. Gumawa sha ng maraming tuldok. Kung titignan sa malayo, parang constellation Draco.
Kyut sana.
Pero di pde. Nilabhan ko. Armado ng maliit na piraso ng sabong panlaba [irrelevant na ang brand ngayun]. Kuskos. Natatanggal naman. Pero mas lumala. Kumalat yung ibang napintahan na. Parang lumabas yung kaluluwa nung pinipinta ko.
Madilim na.
Di ko pala nakain yung biskwit ko sa bag. Nakalimutan kong gutom ako. Ang nasa isip ko ay kung paanu ko itatago ang krimeng nagawa ko.
Ang nagdirek ng pepot artista ay si Doy del mundo. Sha ang sumulat sa ilang kyut na pelikula [Maynila… Sa mga Kuko ng Liwanag, ‘Merika, Mulanay, Aliwan Paradise, and Markova].
Nung mapanuod ko ang Mulanay di ko pa sha kilala. Basta sabi ko anggaling ng mga linya.
So sha pala yun.
At alam mo bang nasa tenga ko ngayun si gary granada, kumakanta sha. Kinakanta ang kanta ni lidy kay lean..
Di ko maikakaila ang pag-aalala Na sa tuwi-tuwina’y dala-dala Nangangamba, nangangamba na baka mapahamak ka.
Dapat sarilinin ko na lang. Kayrami-rami mong pasan-pasan. Baka lalo ka pang mabibigatan.
Itatago ko ang aking kaba.At ikukubli ang pangangamba.Ngunit sa dilim ay napapansin mo ang takot ko . Ang dinadaing koy para sa iyo.Ang unti-unting matutunan ko.Paano mahalin. Paano mahalin ang katulad mo. Di ko maikakaila ang pag-aalala. Ngunit di ba mas mahalaga, Ang dinggin ka, intindihin ka,Samahan ka sa bawat pasya. Paano ba ako makakagaang.Paano ba ako makakatuwang.Paano kung ako ay nasasaktan.Itatago ko ang aking kaba. At ikukubli ang pangangamba. Ngunit sa dilim ay napapansin mo ang takot ko. Ang dinadaing koy para sa iyo. Ang unti-unting matutunan ko. Paano ba ako makakagaang.Paano ba ako makakatuwang. Paano mahalin.Paano mahalin ang katulad mo. Paano mahalin.Paano mahalin ang katulad mo.
partylist tabulation
Mayo 18, 2007
| GABRIELA | 61,589 |
| BAYAN MUNA | 54,188 |
| BUHAY | 53,910 |
| APEC | 39,671 |
| CIBAC | 34,842 |
| AMIN | 30,457 |
| AKBAYAN | 28,012 |
| ADD | 26,389 |
| COOP-NATCCO | 24,300 |
| BUTIL | 23,493 |
| ABAKADA | 21,658 |
| KAKUSA | 19,966 |
| BATAS | 19,380 |
| ABA ILONGGO | 18,798 |
| ALAGAD | 18,131 |
| ANAKPAWIS | 16,050 |
| ANAD | 13,781 |
| ABS | 12,896 |
| ARC | 12,892 |
| FPJPM | 12,653 |
| KABATAAN | 12,170 |
| ABA-AKO | 12,092 |
| SENIOR CITIZENS | 10,825 |
| AN WARAY | 9,968 |
| ANAK | 9,817 |
-NAMFREL MAY17, 3:57pm
dying seconds
Mayo 18, 2007
Namatay na pala kanina si Yoyoy villame. Cardiac arrest, naisugod pa daw sa ospital [las pinas med center] pero di na rin kinaya. Kahapon naman si kuya Cesar. Yun ay dalawang araw matapos niyang ipagdiwang ang kanyang ika-69 na kaarawan.
indelible
Mayo 15, 2007
Labindalawang senador ang ibinoto niyan. Halos lahat pasok sa mga unofficial at partial counts. Yung mayor? uhm mejo olats ganun din yung congressman. At shempre, ibinoto niyan ang pinakakyut na partylist sa buong mundo. KABATAAN.
Speaking of partylist, sa isang barangay [kundiman/craig st's] may naglagay ba naman sa partylist na RATBU NG MASA. Ewan kung talagang slow lang ang mga tao dun, pero parang ako lang yung natawa.
nagulat ang lahat sa lakas ng suntok
Mayo 15, 2007
Ewan ko ba kung baket di ako natuwa nung huli kang manalo, manny. Ewan kung baket inaantay ko na ikaw naman ang ma-knockout ng kalaban mo. Weird, bayani ang tingin nilang lahat sa iyo pero sa maliit na sulok ng puso ko humihiyaw ako nung tamaan ka ng isang matindi.
Nafrustrate ako nung di ituloy ng iyong kalaban ang kanyang atake sa iyo. Konti na lang sana, olats ka na.
Kalaban mo ang bumagsak.
Inisip ko na lang na di pa talaga umaakyat ng ring ang makakatalo sayu uli.
Tumakbo ka sa kongreso. Lahat ng pulitiko gustong itaas lahat ng kamay mo .[at maitaas in return ang kamay nila] Ikaw naman yung sinubukan nila nung di umubra si buboy.
Marami kang natutunan para sa isang baguhan. Inambush ka, pinagbantaan, namigay ng kung anu anong pangako.
Sabik ang lahat na mahawakan ang kamao mong nagpatumba sa mga magigiting na boksingero sa buong mundo. Napagkamali mo din sigurong ang pagkamay nila sa iyo ay nangangahulugang iyo ang boto nila.
Kaninang umaga, ginising ako ng balitang, malapit mo na matikman ang isang knockout na pihadong di mo malilimutan.
Nuon pa naman natutuwa nako sa kinakapatid mong si darlene.
Mas lalo ngayun. Oo, manny, mas lalo ngayun.
sa mayo katurse
Mayo 12, 2007
tink
Mayo 12, 2007
You know that place between sleep and awake, the place where you can still remember dreaming? That’s where I’ll always love you, Peter Pan. That’s where I’ll be waiting.-Tinkerbell
dora the explorer
Mayo 11, 2007
Natutuwa na rin ako at di tayu katulad ng katabi kong magjowa.
Para silang nasa park mehn.
Live and let live.
Di ko na lang sila tinitigan. Tutal nasa likod ko naman sila, mageeffort pa ba akong silipin sila?
Niwey, naiiisip kita. magugulat ka pa ba? Magulat ka kung ang isipin ko ay kung makikipagsex din ba si Paris Hilton sa mga jailguards na magbabantay sa kanya[malamang hinde].
Opo naman. Hulsam naman. Pramis.
Naisip ko yung mga sinabi mo noon. Bingi ako minsan at makakalimutin pero nasa isip ko pa din ang mga iyon. Iniisip ko kung dapat ba akong kiligin nung sinabi mo na kung sakaling di maging tayo ay mahihirapan kang kalimutan ako. Siguro sa ngayun pede ko nang ikasiya iyun. Sa ngayun, iyon siguro ang pinaka-kyut na pede kong ilapit sa iyo ten years or 5 years from now.
Sniff.
Niwey tama ka, mas ok kung wag lagyan ng blanko ang mga iboboto sa senado. Baka nga naman sa pag-iwan ko ng blanko ang mga katulad ni pichay, singson at tol mike ang makapasok. Kaya nag-iisip ako ngayun ng idadagdag sa nauna kong listahan.
And one more thing, kaya nga pala kita iniisip kasi inabonohan ko muna yung ibibigay mo sa extortion efforts ni goy. May isandaan ako sayu ha?
