Alpas

Hulyo 24, 2007

 

Buen Calubayan

collaboration:
         Jose Tence Ruiz
         Mideo M Cruz
         Jef Carnay
         Yko Umadhay

21 July 2007, Saturday, 5:30 PM

                            Loyola House of Studies Lobby
                            Ground Floor, Loyola House of Studies
                            Seminary Drive, Ateneo de Manila University
                            Loyola Heights, Quezon City, Philippines
                            Telephone no. +632 4266101

                           Curated by Jose Tence Ruiz

On July 15, the Human Security Act of 2007 (HSA) — also known as the Anti-Terrorism Law — took effect. While its proponents claim it will protect peace and order, its critics have raised concerns on its possible implications for civil liberties and other rights enshrined in the Constitution.

The Free Jonas Burgos Movement (FJBM) invites friends in the cultural sector and the media to a forum on the HSA and its possible effects on the work of artists, writers, and journalists on Saturday, July 21, 5 p.m . at Conspiracy Bar and Garden Cafe along Visayas Avenue, Quezon City.

Speakers include JL Burgos, brother of missing peasant leader Jonas Joseph Burgos; and National Artist for Literature Bienvenido Lumbera.

Please pass

FJBM

buffet

Hulyo 18, 2007

Dinaing na bangus ang tinanghalian ko. Patawad, alam kong laganap ang kagutuman sa buong kapuluan pero di ko inubos ang bangus at ang kanin.

Malaki ang pakinabang sa akin ng dalawang pusang kulay orange sa San Juan. Sila ang uupak sa di ko mauubos.

Kung makakapagsalita lang sila, aabot hanggang Masbate ang kanilang pasasalamat dahil dumating ako sa buhay nila.

At sana nakakapagsalita sila.

park at your own risk

Hulyo 17, 2007

Notoryus sa pagpapatakbo ng mabilis ang mga dyip na byaheng San Juan-Divisoria. Palibahasa agawan sa pasahero. Ang kanilang termino dito- pagbubuwaya. Kung sexy ka magmaneho, olats ka.

Kung ipinanganak kang daredevil at palaging late papabor sa iyo ito. Bentahe. Ang drayber hulog ng langit.

Kahapon, pinili kong sa harap umupo.

Nagmamayabang, tuhod lang ang ginagamit kong pantukod sa tuwing magpepreno ang dyip.

Sa isang pambihirang pagkakataon, mabagal na gagapangin ng dyip ang Old Sta Mesa.

At sasalpukin ang isang nakaparadang Toyota Inova.

Mabagal ang bawat eksena. Kitang kita ko ang paghalik ng nguso ng dyip sa tagiliran ng SUV. Dinig na dinig ang tunog ng nayuyuping yero.

Di ko alang kung nakatulog ang drayber, o kung anu ang iniisip niya at nabangga niya ang sasakyan sa harap.

Iniwan ko siyang nagpapaliwanag sa madla.

Malayo na ako sa kabilang dyip para marinig ang sinasabi niya.

Dalawang kapitan lang ang kilala ko, dalawang pangalan lang ang papasok sa isip ko sa tuwing mababanggit ang pantukoy na ito.

Si Alvin Patrimonio at si Tito Cesar.

Sa isang barangay sa Lipa Batangas, iniluklok na punong barangay si Tito Cesar. May taglay na karisma at angas, ipinanalo niya ang karera sa kabila ng maliit na pondo at ilang piraso ng kaalaman sa serbisyo publiko [minana niya kay lolo].

Kakaunti lang ang alaala ko kay Tito Cesar, maliban sa ilang paskong ginugol namin sa bahay nila, napakabihira ko siyang makita [mas madalas ko pa ngang makita yung lolong sumasakay ng PVP at bumababa sa may Mayapis].

Ang pinakamalapit na pwede naming ilapit ay ang panahon ng pagmamano. Tradisyunal. Matapos yun, paghihiwalayin na kami ng tawanan ng mga pinsan, kalampag ng mga pinggan at videoke.

Kaya kakaiba ang huling pasko, tinawag niya ako sa aking pangalan at hiniling ng maipinta ko ang kanyang portrait. Matapos niyang marinig ang aking “opo” mabilis niyang pinakuha ang kanyang litrato.

Sa kaya-ko-at-di-ko-kayang maipaliwanag na mga dahilan, hindi ko nagawa ang painting. Inabot ng ilang buwan. Hanggang sa lumubha ang kanyang karamdaman at taningan ng ilang buwan ng mga duktor.

Inumpisahan ko agad ang pagpipinta. Ayokong mahuli ang lahat na di niya makita ang hiling niya.

Natapos ko at naipadala sa Batangas ang portrait. Nung ipakita daw sa kanya yung painting, tinignan lang niya.

Mahinang mahina na si Tito Cesar.

Kinabukasan [hulyo 16], ilang minuto bago mag alas diyes y medya, payapang pumanaw si Kapitan.

Ito ang unang araw ng pagpapatupad ng HUMAN SECURITY ACT.

Pakshet di ba?

pagguhit ng krus

Hulyo 10, 2007

Pagpipinta na nga lang ng krus ang ginagawa mo di mo pa magawa ng maayus.

Eh kasi yung mama sa construction eh.

At yung batang tawag ng tawag sa akin.

At yung maliliit na mga langaw. At yung mga antik na gumagapang sa ilalim ng lamesa. At yung malakas na tunog ng piano. At yung tawa ni Aling Letty at yung pag-sigaw ni Aling Fanny kay Gerry.

Kasi yung ulam kong longganisa. Kasi si Ben Abalos. Kasi yung DVD player. Kasi yung pusa na distorted ang mukha.

At yung bubuli.

At ang ulan. Oo, dahil siguro sa ulan.

one minute ka na lang

Hulyo 7, 2007

Tulad ng maraming kwentong paulit ulit na kinauumayan mo, muli kong itatanong kung naaalala mo pa yung kwento ko tungkol dun sa may estero sa may Arlegui. Yung pinagtapunan ng nakasakong bangkay ng lalaki, na ang sabi mo nga ay isang drug pusher.

Kabisado mo na siguro no?

Eleksyon noon, nagdidikit kami ng campaign posters ng BAYAN MUNA partylist sa kahabaan ng Arlegui [partikular sa mga pader ng MLQU] nung lapitan kami kami ng mga kalalakihan. Sinita kami kung bakit namin tinakpan ang mga poster ni Lito Atienza. Tinanong kung sino raw ba ang pinagmamalaki namin. Kung gusto daw ba naming magkasubukan. Bagamat kilala na ang lugar na iyon sa tepokan nagpaka-cool kami.

Sinabi namin na, “manong, eleksyon ngayon, napaka-normal na magpatungan ng poster.” Pinapaalis nila ang aming mga idinikit habang patuloy na nagbabanta. Sinagot namin sila na, “o sige manong, di na kami magdidikit, sisibat na kami, pero di namin tatanggalin ang mga naidikit na.”

Umalis kami na parang walang nangyari.

Yun, naalala ko lang, dinemolish na kasi yung mga shanty dun kahapon.

Matayog ang pangarap ni Mayor Lim and company, mawawala na daw tiyak ang mga magugulo sa Quiapo.

Habang sinasabi niya ito, tulirong nakaupo ang isang ale sa bangketa.

Gusto kong pahulaan sa Plaza Miranda kung ano ang iniisip niya.

tatlumpu’t anim

Hulyo 1, 2007

Dama ko ang bigat ng balikat ni Koko Pimentel habang maramihang nalaglag sa semento sa kanyang mga argumento. Ganundin yung panlulumo ni Lebron James habang iniluluwa ng ring ang bola na ipinukol niya. Dama ko ang lalim ng paghinga. Ang mga pabulong na mura. Malinaw ko na naririnig ang mga mahihinang usal ng dasal na sana ay pagbigyan ang maliit na tsansang daing.

Bagamat solo, maligayang anibersaryo pa din, hal