lomo
Agosto 26, 2007
LOMOMANILA PRESENTS LOMOLOVE
Be there at the Exhibit Launch with
the countries craziest Lomographers
and see our Lomowall of more than 2000
photos !
BlackSoup Projects Gallery Cubao-X
(Marikina Shoe Expo), Araneta Center,
Cubao, QC Sept 9, Saturday 7 PM onwards
With live performances by :
Outerhope, Bagetsafonik, Moscow
Olympics, Drip, The Sleepyheads,
Shoulder Sate, Free Beer
Entrance is Free of Charge.
Brought to you by FujiYKL, G.S.M.
light and LOMO.PH
lelat
Agosto 17, 2007
Ang mga nakakatawang pangyayari ay madalas mangyari pag umuulan. Amen.
Gusto kong sisihin ang taas ng akyatan ng jip sa pagkakaiwan ng aking tsinelas habang papasakay. Kagabi iyon, mejo umuulan.
For ilang segundo, para lang akong normal na nakasabit sa jip. Pero ang totoo, akma akong sasakay pero dahel naiwan nga ang isang piraso ng tsinelas akma din akong bababa. Ilang metro din ang ginapang ng jip bago tuluyang huminto.
Sa dilim ay pilit kong hinanap ang tsinelas. Kulay brown ito kaya extra challenge. Kinokundisyon ko na ang sarili kong uuwi ako ng isa ang tsinelas o tulad ng kwento ni Rizal ay iiwanan ko na din ang isa para pag may nakapulot di naman sha kawawa.
Iniisip ko na din ang iisipin ng mga makakita sa akin sa jip o ang sasabihin ko pagdating sa bahay.
Iniisip ko din kung ganu kalambot ang tsinelas na iyon.
At ang sasabihin ng may-ari niyon.