ekisan mo mukamo

Setyembre 23, 2007

“Scenes in this film are presented unfairly, one-sided and
undermines the faith and confidence of the government and duly
constituted authorities for public exhibition.” -MTRCB
Pakshet.

Popcorn please.

RIGHTS

rated x

Setyembre 20, 2007

Naka-sked na ipalabas bukas sa Indie Cine ng Robinsons Galeria ang collection ng mga shorts na produced ng The FreeJonasBurgosMovement, Southern Tagalog Exposure and KARAPATAN.

Pinamagatang Rights, tampok dito ang koleksyon ng mga public advertisements na tungkol sa karapatang pantao.

Kasabay sana ng isang porum at screening ng pelikulang SAKADA, ang pagpapalabas ng mga shorts na ito.

Pero sa isang liham ni MTRCB Chairman Consoliza Laguardia sa Philippine Independent Filmmakers Cooperative noong September 9, sinabi niya na RATED X at “not for Public Exhibition” ang RIGHTS.

Ang mga rason:

-Scenes in this film are presented unfairly, one-sided.

-Undermines the faith and confidence of the government and duly consituted authorities

Winner di ba?

Niwey, tuloy pa din bukas ang SHOOTING RAGE and DISQUIET: Transgression and Transformation in Philippine Cinema after the First Quarter Storm, Robinsons Galleria, Cinema 3 4pm-onwards

pnb

Setyembre 16, 2007

Dalawa usually ang gwardya sa mga bangko. Isa ang pupuwesto sa labas, siya madalas ang may hawak ng shotgun. Yung isa naman ang nasa loob, siya naman ang taga-bukas ng pinto pag nacheck na ng gwardya sa labas ang mga gamit ng mga gustong pumasok sa loob.

Yung nasa labas din ang pinakadelikado sa tingin ko. Siya ang unang matetepok pag may holdapan. Siya din ang walang aircon.

Inisip ko kung pareho kaya sila ng sweldo.

Tingin ko walang pagkaka-iba. Kada oras kasi, nagpapalitan sila. O sa mga espesyal na pagkakataon, pedeng silang mgapakiusapan (hal. pagtatapon ng basura, pag-ihi atbp.).

Mahirap nga siguro talaga ang pagiging gwardya.

Pero mas mahirap sigurado ang sumakay ng mabilis tricycle na dadaan sa malubak na kalsada at ihing ihi ka.

catalina

Setyembre 7, 2007

Pag nabasa mo ito, tinatayang mahigit walumpung kilometro na ang layo natin sa isa’t isa.

Malamang busog na busog ako sa iba’t ibang putahe, ikaw naman malamang ay nagtitiis sa KFC, o sa burger ng Mcdo.

Wala lang, habang ngatse tsek kase ng emails, nakita ko sa subject ng email ng Multiply.com yung phrase na “What you’ve missed”.

Naisip ko agad ikaw.

Mamimiss ko yung kalapitan mo.

Ahoi!

rot tom

Setyembre 6, 2007

Nagkabeke ka na ba?

Tanong yun ni Mithi habang isinasara ko ang gripo. Papalayo naman noon si Harvey na ilang minuto lang ay ideneklara sa aming may beke.

Nakakahawa ang beke.

Hindi na ako nag-isip o nagflashback. With all certainty, sinabi ko, “Oo, nagkabeke na ako.”

Kaya nung ipaalala niya sa akin na hinalikan nga pala ako ni Harvey sa pisngi (dahil sa pakana niyang susuklian ng sampung piso kung gagawin niya iyon) keber ako.

Ang totoo niyan, napaisip ako dun.

Hindi dahil natatakot akong mahawa.

Naisip ko na, “Oo, nga pala nagkebeke na ako, at nagkabulutong na din at allergy at trangkaso at marami pang sakit na inihiga ko lang at ininom ko ng maraming tubig.”

Marami na akong naging sakit, kewl.

Naisip ko din na nakainom na pala ako ng iba’t ibang uri ng gamot, na natusok na ako ng iba’t ibang sizes ng syringe, naresetahan na ng iba’t ibang dr at nakapagsuot na ng gown ng mga pasyente.

May peklat din ako sa ulo na dulot ng sugat na gumaling na hindi nagamot.

Nabubog na din ako sa tennis court sa Lagro na nagbigay sa kanan kong paa ng one and a half inches na hiwa na hinugasan ko lang sa poso.

Naransan ko na din ang di makahinga.

Magdilim ang paningin habang nasa piling ng mga nagbibingo. Ubuhin ng dire-diretso sa bus. Maimpesyon ang pimple. Mabalian ng buto dahel sa pagkahulog sa lambaras.

Naisugod na din ang sa ospital, sa parehong kwarto kung saan isinugod din sa Maningning Miclat.

Naiburol na din ako sa ospital overnight. Actually, na-confine, sinabi ko lang na naiburol kasi excited ako sa idea na ibinuburol ako.

Para kasing mini-burol, dalaw ng mga kamag-anak at kaibigan, magkukwentuhan sila habang walang energy kang nakahiga sa kama.

Ang topic nila, kung gaano ka pa kasigla nung huli ka nilang makita.

Pag na-confine ka, may idea ka na kung ano ang mangyayari pag namatay ka at ibinurol.

Nga pala, nung wednesday nagtrabaho ako gamit ang isang mata at may takip na bimpo ang ilong habang nakadiin sa pisngi ko ang kaliwa kong kamay.

Absent naman ako kahapon. Maghapon lang akong nakaburol.

Isang malungkot na araw na naiburol na walang dumalaw.

Oo nga pala Mithi, di ba sabi mo di ka pa nagkakabeke?

Well, yung pisnging hinalikan ni Harvey ay ang pareho ding pisngi na hinalikan mo ng maraming beses.

Bleh.