Pagtupad

Mayo 29, 2008

letsfun709.jpg picture by otomoi

PAGTUPAD   Habang taas kamao mong sineselyuhan ng sigaw na umaalingaw-ngaw sa loob ng Iglesia Filipina Independiente at Taft, ang pangako mo sa nakabuwal na katawan ng ating ka bel- na tuloy ang kanyang laban. Mabigat na tungkulin ang iyong tinanganan. Una, sa kanya. Pangalawa, sa sinisinta niyang bayan.   Paalala kasama, bayaran na naman ng mataas na matrikula, lingguhan nagtataas ang diesel unleaded at gasolina, di man lamang umabot sa bente ang umento -kung umento man itong matatawag ni ka bel, dinudukot, pinapatay, tinatapon sa ilog ang mga kasama, nakakulong. At kasama, nasa Malakanyang pa din si Gloria. Wag nang antayin ang nine days, forty days at babang luksa- umpisahan na ang trabaho. Tuparin agad ang pangako.    

sa ating pagkilos lang sila mananatiling buhay.. -gelacio guillermo