SINO SI GELACIO GUILLERMO?

Oktubre 30, 2009

sa isang tambayan, naibukas ni bolivs Ortega ang idea ng isang
poetry reading event kung saan magfi-feature ng isang
poet.

maliban sa ilang music or tula numbers, ang
featured poet ang bida sa event na yun.

parang poetry concert.

at bilang pilot episode ng sana-ay-maging-series-of-ganitong-event
na ito,

si Gelacio Guillermo ang i-feature naten.

munting tribute naten ito sa isang mabuting kaibigan ng KM64
at ng type ng panulaan nilalanguyan ng grupo.

madidinig at mapapanuod nateng bigkasin
ang ilang bagong tula, karamihan- unpublished.

malalaman ang ilang kwento sa likod ng mga tula.

masasabing napapanahon ang event
na ito. nasa era kase tayo, na kung sino
sino na lang ang pinararangalan.
at karamihan sa mga kung-sino-sinong ito-
mga maling tao.

panahon din ngayun, na mga pakshet ang ginagawang bida.
yung mga totoong astig na mga tao,
ni hindi kilala ng generation na ito.

muli, samahan ang KM64 sa pagbibigay ng
spotlight kay Gelacio Guillermo,
isang icon ng resistance poetry.


Napapanahong kilalanin ang mga unsung heroes ng Filipino poetry. Tutal lagi namang napapanahon ang revolutionary/proletariat poetry.

-axel pinpin

SINO SI GELACIO GUILLERMO?

Nov 3, Martes 6-9pm

Conspiracy bar, Visayas Ave QC

FREE ENTRANCE

Relief Ops

Oktubre 16, 2009

Kasabay ng napakamadaming kwentong kabayanihan, ka-generousan, ka-concernan, nagsilitawan din na parang mga waterlily na inanod sa mga tumana ang saring saring kwentong papogian sa relief operations.

Nariyan yung mga relief goods na may sticker galing kay senator ganito. nariyan yung mga tent na galing kay mayoralty candidate ganito. Nariyan yung mga plastic bags na nakabalandra yung pangalan ng isang higanteng istasyon at ng kanilang foundation. Nandyan din ang naglitawang tarpaulin ng mga organisasyon at mga grupo na nagsasagawa ng relief operations. Nakakalat din sa Facebook yung mga litrato at video ng pamamahagi ng tulong.

May bago ba dito? Nagtataka pa din ba tayo?

Napaka-normal na sa bayang ito na ipangalandakan yung mga ginagawa nilang kabutihan. Napaka-exceptional na yung isesecret pa yung efforts nila.

Maliban sa mga secret admirers, sino pa ba ang hindi naglalagay ng pangalan sa coming-from-portion ng regalo?

Una, lahat na ata sa bansang ito ay ninanakaw. Mula pondo ng mga waiting shed hanggang sa isang piraso ng yellowpad, kinukupit. Kaya baka nakawin ng iba ang kredito. Anu yun? gumastos ka tas, ito yung isang mokong, aariin na kanya yung kabutihang yun? Kesa iba ang makinabang.

Buttomline? sa panahon ngayon napakadami ang nangangailangan ng tulong. Yung mga binibigay na plastic plastic, maswerte na kung umabot ng isang araw. Anumang tulong, regardless sa agenda at intensyon, dapat pasalamatan. Tama lang yun, mabawasn man lang yung pera nila [naten?]

Yung mga naghahakot ng mga bibigyan daw ng tulong sa harap ng Saksi at Tv Patrol pero pagkatapos mai-ere ang kanilang pinagmamalaking generosity ay biglang mauubusan?

Ibang istorya yun.

AHONahoncopy-1
Isang Gabi ng Pag-aalay
ng Tula at Tulong
sa mga nasalanta

Conspiracy bar, Visayas ave QC
6-9pm

Free Entrance

we will be accepting relief goods, Food, Clothing, Medicines, Beds, Pillows, Blankets, Emergency Supplies and cash donations to help Typhoon Ondoy victims.

A project of Km64 poetry collective and
writers from www.filipinowriters.com,
in cooperation with BAYAN MUNA Partylist