For sure, nanlamig ang tenga ng isang prosecutor. Malamang din wala siyang imik sa kotse pauwi. Ikaw ba naman ang sabunin ni JPE ng live sa TV. Mabuti nga medyo naawa na siguro sa kanya ang late night news, hindi na inere ang darkest moment sa impeachment court.
—
nung isang araw, tumayo para magtanong si Leon Guerrero aka Sen. Lito Lapid. Bihira ito. Ang kanyang tanong sa nasa witness stand: PAGOD KA NA BA?
—
Kung papaniwalaan ang mga kwento ng mga congressmen hinggil sa mga dokumentong tila hulog ng langit na napasakamay nila dapat ko na rin sigurong hilingin na sana ay may biglang magblutoot saken ng HD video ung araw na pinatay ng mga militar ang botanist na si Leonard Co. Para matigil na sila [AFP] sa pagsisinungaling.
Sabagay si Moises nga pinaanod lang sa ilog nung makuha ng mga nagpalaki sa kanya di ba?
Pwede.
Mag-iwan ng Puna
Walang puna.
Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI

