SINO SI GELACIO GUILLERMO?

Oktubre 30, 2009

sa isang tambayan, naibukas ni bolivs Ortega ang idea ng isang
poetry reading event kung saan magfi-feature ng isang
poet.

maliban sa ilang music or tula numbers, ang
featured poet ang bida sa event na yun.

parang poetry concert.

at bilang pilot episode ng sana-ay-maging-series-of-ganitong-event
na ito,

si Gelacio Guillermo ang i-feature naten.

munting tribute naten ito sa isang mabuting kaibigan ng KM64
at ng type ng panulaan nilalanguyan ng grupo.

madidinig at mapapanuod nateng bigkasin
ang ilang bagong tula, karamihan- unpublished.

malalaman ang ilang kwento sa likod ng mga tula.

masasabing napapanahon ang event
na ito. nasa era kase tayo, na kung sino
sino na lang ang pinararangalan.
at karamihan sa mga kung-sino-sinong ito-
mga maling tao.

panahon din ngayun, na mga pakshet ang ginagawang bida.
yung mga totoong astig na mga tao,
ni hindi kilala ng generation na ito.

muli, samahan ang KM64 sa pagbibigay ng
spotlight kay Gelacio Guillermo,
isang icon ng resistance poetry.


Napapanahong kilalanin ang mga unsung heroes ng Filipino poetry. Tutal lagi namang napapanahon ang revolutionary/proletariat poetry.

-axel pinpin

SINO SI GELACIO GUILLERMO?

Nov 3, Martes 6-9pm

Conspiracy bar, Visayas Ave QC

FREE ENTRANCE

Pa-siyam

Hulyo 13, 2009

STATUS MESSAGE

Hunyo 12, 2009

Pwede bang paminsan minsan,
kahet ngayun lang,
wag muna nateng pag-usapan kung gaano ka katalino,
kung gano kataas ang iyong IQ,
kung sinong matinee idol ka nung 80’s,
kung anung sexual position ka,
kung gaano mo kakilala si ganoon at ganito,
kung gaano ka katunay na lalake.

O, kung ano ang suot mong panty,
kung ano ang kinakain mo,
kung saan ka pupunta mamaya,
kung gaano kasakit ang ulo mo,
kung ano ang bibilhin mo pag tumigil na ang ulan,
at kung gaano kabagal ang connection sa iyong pinag-iinternetan.

Wag muna natin asikasuhin ang mafia wars.

Isang lider magsasaka sa Dumagete ang pinaputukan sa ulo.
Hindi na nakapagpalit ng damit
matapos magbitbit ng anti Chacha na streamer.

Katarungan kay Ka Fermin Lorico.
Pwede bang ito ang maging status mo?

mamamatay silang dilat

Marso 23, 2009

s_phixr

Womens Night sa Conspi

Marso 2, 2009

sayote_phixr

sa ‘yo, ‘te
womens month offering ng km64 at artists’ arrest

march 3, 2009
conspiracy cafe, #59 visayas ave Qc
6-9pm
free entrance

with performances by:
abet umil
pau hernando
ayn dela cruz
joel garduce
musicians for peace
sining bugkos
alex remollino
babes alejo
rustum casia
mau dela cruz

special screening
Performing Naturalness
a 3 minute shortfilm by dada docot

exhibit opening
BLOOM
works by women

Paintings. Photographs. Sculptures. Etc.
by
daphne aguilar
scarlet aguilar
cynthia alexander
mency atienza
tina basco
carol bello
nana buxani
susan corpuz
ina avellana-cosio
aba lluch dalena
lai del rosario
rufina fajardo
nerisa del carmen guevara
tala hagart-hlexander
jemina
emmanwelga lacaba
mithi lacaba
tita lacambra-ayala
julie lluch
vivian limpin
alma quinto
macrina vicente

*Partial of the exhibit proceeds go to Project Brave Kids

Panata sa Paglaya

Pebrero 2, 2009

teaser1aInihahandog ng Free Ka Randy Movement at ng
kilometer 64 poetry collective
ang

PANATA SA PAGLAYA
Mga Tula ni Ka Randy Echanis,
kapamilya at mga Tagasuporta

Literary Folio Launching
Feb 3, Martes 6-9pm
Conspiracy Bar, Visayas Ave.

Free Entrance.

Sa pakikipagtulungan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
at ng Artists’ ARREST (Artist’s Response to the Call for Social Change and Tranformation)

DOWN WITH THE CRACKDOWN

Nobyembre 21, 2008

crackdown-poster

DOWN WITH THE CRACKDOWN
a gig by artists’ ARREST against the political persecution of the leaders of progressive organizations of southern tagalogwith performances by:

axel pinpin
brownman revival
cynthia alexander
datu’s tribe
kilometer 64, souther
semi.o.tic
sister high
the wuds

nov 22 : 6pm : ten02 bar, sct. ybardoloza cor. timog

Admission is FREE!

*DEFEND-ST campaign launch and forum
1pm, benitez hall, college of education, UPDiliman

Nov 18, ‘08 6:00p
Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City
A night of poetry, films and music. This is made possible through the initiative of Artists Arrest and STAND-UP (UP Diliman). Free entrance!!!

Line-up of performers:
Bobby Balingit (the Wuds), Kilometer 64 Poetry Collective, Alay Sining UP Diliman, UP Repertory Company,UP SILIP, Dagitab, ANAKBanda

Marlon Carmen

Nobyembre 15, 2008

Habang tumatagal, narerealize ko kung baket di matanggal-tanggal si Marlon sa Survivor Phils. Kung baket ang mga katulad ni Kiko, Jace, Gigit at ang latest si Vern ang mga unang natanggal.

Isa sa pinaka-demonyong taong napanuod sa tv itong si Marlon, at aminado sha at ang kanyang mga kasama na wala shang kapag-a-pag-asang manalo. At yun ang pinakadahilan kung baket nga sha nasa isla pa.

Hindi naman siya mananalo.

Napakahina niya sa mga challenges. At bagamat sinasakyan, marami pang naiinis sa kanya. Pasimuno man ng mga awayan sa tribo, darating ang oras na makakasanayan na ng mga kalaban nya yung estilo niya. Gaya kagabi, marahil ay di niya inaasahan na hindi babaligtad si nanay Zita. Di umubra yung pandedemonyo niya. Solid ang old Naak na bumoto kay Vern.

At malilimutan ba ang pagtawag niya ng Dead Meat kay nana Zita?

Sa ngayon mainis na lang muna tayo kay Marlon. At antayin siyang bumalik ng Maynila.

Day of the Disappeared

Agosto 30, 2008

Ginu-gunita sa araw na ito ang International Day of the Disappeared. Sa araw na ito mas pina-iigting ang paghahanap sa mga nawala, mga dinukot ng mga pinaniniwalaang mga elemento ng militar.

Nagkaroon ng pagkilos ngayun sa may Morayta. Papunta sana sa Mendiola ang mga kaibigan, mga kasama at mga mahal sa buhay ng mga nawawala pero as usual, hinarang na naman sila ng mga kapulisan. Paranoid ang mga pulis patola. Pangisi-ngisi pa ang iba habang naglilitanya ng mga hinaing ang mga kamag-anak. Kapal ng mukha, di naman nagbabayad sa Jeep at bus at tricycle at pedicab at anlakas pang mangotong.

Isang kaibigan ang kasama sa mga hinahanap, si Joseph Gonzales, Agosto din nung dukutin sila sa Bustillos, in broad daylight ng mga elemento ng ISAFP.