Hear the Cry of the Poor

Hear the Cry of the Poor

Advertisements

Grade IV

May lugar pala sa Pilipinas na hanggang Grade 4 lang ang itinuturo. Yung pinakamalapit na eskwelahang may Grade 5 ay sa kabilang bayan. Tawid-dagat. Pag natapos mo na ang Grade 4 at gusto mo pa mag-aral, pumasok ka ulit sa Grade 4. Next year, kung wala kang pambili ng jet ski, mag-Grade 4 ka ulit hanggang sa ikaw na ang magtuturo sa mga kaklase mo sa Grade 4. Pag nakausap ba natin ang mga batang forever Grade 4, anong sasabihin natin? Maghintay kasi may 2 years pa naman si Noynoy Aquino? Makipagtulungan na lang sa gobyerno?

Sige, ice bucket challenge pa.

Bagyo-Bagyo

Sa totoo, ayoko na talaga magreklamo tungkol sa mabagal na internet, kasi mas marami pang may mas malaking problema kaysa dito. Gaya na lang ng mga manggagawa ng NXP na tinanggal sa trabaho, yung mga nag-aani ng abaca matapos ang ilang buwan tas kikita lang sila ng 80pesos, yung mga kababayan nating inaasinan lang yung kanin nila para may mailaman sa tiyan, yung mga malnourished na mga bata na saging lang ang kinakain at saging na din ang dinudumi.

Kaya sabi ko manonood na lang ako ng video. Itong video’ng ito, isang oras ata bago ko natapos.

Pag nag-iinternet ako, tinatago ko yung mga gunting sa bahay, baka kasi magupit ko yung bangs ko.

Bagyo-Bagyo- Tropical Depression

Landslide

Nung magkaroon ng halalan ang mga pamilyang madadamot sa buong Pilipinas, nanalo ang pamilya Cojuangco-Aquino. Overwhelming. Hindi pa natatapos yung botohan, nag-concede na ang mga kalaban. Hindi na natin papangalanan yung mga nakalaban bilang pagsunod sa kanilang kahilingan.Sagrado ang kadamutan sa kanilang angkan. Ilang dekada nilang pinangalagaan ang katangiang ito.

Walang kinalaman sa kanilang kadamutan si Noynoy Aquino. Ito ang matigas na pagtitiyak ng tagapagsalita ng pangulo ng mga pamilya ng madadamot sa buong Pilipinas (habang sinasambit niya ito, yung kilay niya nakadikit sa kisame), pero may kapatid yung disclaimer niya. May karugtong, ikasasama daw ng loob ni Noynoy Aquino kung papakialaman yung kadamutan ng mga kamaganak niya.

Huwag na raw sanang umabot pa sa puntong sasama ang loob ni Noynoy Aquino.

Hindi naman daw iyon pagbabanta. Paalala lang daw.

Masyadong masipag ang nahalal na pangulo ng mga pamilyang madadamot sa buong Pilipinas, agad nilang nilagyan ng bakod ang Hacienda Luisita. Ginulpi’t inilagay sa kulungan ang mga humamon sa kanilang kapangyarihan at kadamutan.