Mag-Nestle Almusal

Minsan, sana
habang hinihigop ang mainit na kape,
habang nagpapadede,
habang nilalasap ang tamis ng
sorbetes at tsokolate,
habang itinatawid sa gutom ng instant mami,
habang natutuwa sa mga bagong
jingel at commercial sa TV.

Sana maisip mo
ang daan-daang manggagawang
binobomba ng tubig habang
payapang nagwe-welga.

Ang daan-daang hinahambalos
ng daan-daang pulis
at mga bayarang gwardya.

Ang daan-daang nawalan ng trabaho
habang ang may-ari’y nalilito
kung saan magpapasko.

Kaya habang nag-aalmusal, sana maisip mo
na sa likod ng daan-daang ito
ay daan-daang asawa,
daan-daang maliliit na bata.

Daan-daang humihingi lang ng mga
pinaghirapan din naman nila.

Daan-daang mag-aapply pa.

Daan-daang nagugutom at
daan-daang mahahapding sikmura.

At daan-daang tulad mo,
may karapatan din namang
makapag-almusal tuwing umaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s