Orkids

Ang orkids na ito ay para sana kay inay.
Ireregalo ko bilang pasasalamat
para sa pagtatapos ko sa elementarya.
Di ko sukat akalain na sa kabaong ko
ito ilalagay ni inay.

Kung alam ko lang.

Sana;
nakapili ako at dinamihan ko ng
paborito kong kulay.
Naibigay ko sana kay inay ng mas maaga.

Kung alam ko lang
na di na kami magkikita;
nasabi ko sana bago umalis,

Inay, paalam. Mahal kita.

Salamat sa pagplantsa ng aking polo.
Salamat sa pag-attend mo sa mga PTA meetings.

Salamat, inay.

Pero sadyang mabilis ang mga pangyayari.
Ni hindi ko nga nagawang magtanong sa mga army.

Nakataas na’t lahat ang aking mga kamay,
inasinta pa rin ako’t pinaputukan.
Sa kilikili ako tinamaan.

Mainit, mahapdi-
pero saglit lang.

Kung alam ko lang
na ako talaga’y patatamaan.
Nakadampot sana ako ng kung ano’t
nakipagsabayan.

-kay Rey “Cocoy” Corpin, 13.

Kasama ng 8 pang magsasaka ay pinaslang ng mga elemento ng 19th infantry batallion,pa. malapit sa kanyang bangkay ay mga orkids na ibibigay sana niya sa kanyang inay…..

si Cocoy ay isang anakbayan.

2 thoughts on “Orkids

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s