Paglubog

Kung buhay si Edgar Jopson,

pagalitan kaya nya ako

kung makita nyang

itinira ko ang buntot at ulo

ng isdang hain ng masa?

Masang halos wala nang makain

pero nagbukas ng tahanan

at hapagkainan

upang ako’y pakainin?

Oo naman,

di nila ako pipiliting

iyon ay aking ubusin,

na kahit tinik dapat kong simutin.

Tama lang siguro at marapat na aking kilalanin

ang pag-ibig, pasasalamat at pagtanggap

ng pinaglilingkurang masa

na nasa hapag ngayon.

Magalit man o hindi si Edgar Jopson.

—-

sinasabing madalas pagalitan/pagsabihan ni edjop ang kanyang mga collective

sa tuwing makikita nya ang mga ito na nagtitira ng mga parteng maari pang

kainin.

namatay si edjop sampung taon matapos ideklera ang batas militar.

3 thoughts on “Paglubog

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s