LUISITA

Pito ang patay sa Hacienda Luisita.

Ang private nurse ng hari ng Afganistan

ay isa palang Pilipina.

VIP ang turing sa kanya.

Pero pito ang patay sa Hacienda Luisita.

Binalikan na ni Michael si Ellaine.

Nagkakalabuan na si William at Joey.

Natuwa naman si chris.

Habang pito ang patay sa Hacienda Luisita.

Tinawagan na ni Bush si Gloria.

Meet daw sila.

Habang pito ang pinapatay sa Hacienda Luisita.

Naiirita si Erwin Tulfo kung bakit

kailangang pakialaman pa ng kongreso

ang insidente sa Luisita.

Marami pa aniya ang mas mahalagang pag-usapan.

Mas mahalagang pag-usapan.

Mas mahalagang pag-usapan.

Mas marami pang mas mahalagang pag-usapan.

Kaysa pito ang patay sa Hacienda Luisita.

Pito lang naman patay sa Hacienda Luisita.

Wala naman silang mga pangalan.

Di naman sila artista.

Di naman sila congressman.

Di naman sila fil-am.

Wala naman silang pangalan.

Kaya wag na silang pag-usapan.

Wag nang pag-usapan na

pito ang patay sa Hacienda Luisita.

Ang kailangan ngayon ng bayan ay dasal.

Magdasal ang bayan.

Kailangang magdasal.

Kailangang magdasal.

Kailangan natin ng dasal ayon kay Cory Aquino.

Kailangan.

Magdasal na kayo Cojuangco, Aquino.

“I’ve been an advocate of non-violence and I deeply regret that people had to get hurt on both sides,”

-corazon aquino

One thought on “LUISITA

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s