Kuskos

papunta ako sa fudge ng may makita akong fishnet, nasa madamong bahagi ng bangketa.

sa loob ng fishnet ay dalawang kuting.

————–

kuskos

maliit ang aking kamay.

maliit ang aking paa.

maliit ang aking ulo.

maliit ang aking leeg.

maliit ang aking mga daliri.

maliit ang aking pisngi.

maliit ang aking mata.

maliit ang aking ilong.

maliit ang aking bibig.

maliit ang aking tenga.

maliit ang aking puso.

maliit ang aking baga.

maliit ang aking mga luha.

maliit ang aking boses.

maliit ang tibok ng aking puso.

maliit ang aking paghinga.

kaya siguro dito lang ako itinapon

sa damuhan.

ang iniisip siguro nila

maliit lang din ang aking kamatayan.

———

naisip ko, ang mga kuting ay tulad din ng mga batang itinatapon sa mga toilet bowl, sa mga basurahan.

ang iniisip siguro ng nagtapon, maliit lang naman sila. maliit pa ang kanilang kamatayan

3 thoughts on “Kuskos

  1. ganyan din siguro ang iniisip n’ong mga pumatay sa 14 na welgista ng hacienda luisita. tutal, e mga hampas-lupa lang naman ‘yan, hampas-lupa rin ang pagkamatay nila kung papatayin sila.

    pinapatay ang mga kuting, pinapatay ang mga sanggol, pinapatay ang mga welgistang naghahangad ng makatarungang sahod. sinusuportahan ng presidente ang digmaang pumapatay ng mga sanggol at matatanda, at nanggagahasa ng mga babae at maging lalaki, sa iraq.

    #$&%^ talagang lipunan ‘to.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s