Last Full Show

paulit ulit kong sinasabi, di ko ibinoto si daking last may, pero sobra ang respeto ko sa taong ito. im glad na nakita ko sha, (sa isang campaign sortie nya)bago sha mamatay.

di ako mahihiyang sabihen na makikipag-libing ako sa kanya

at di iyon joke.

_____________________________

BOXOFFICE

Abot hanggang overpass ang pila.

Pila ng mga gustong makita ang hari.

Kung ano ang suot ng hari.

Kung para-lang-siyang-natutulog.

Kung ano ang itsura ng hari sa kanyang kulay lupang kabaong.

Hindi linggo ngunit ang paligid ng sto domingo

ay di sumapat sa dami ng tao.

Ang dating bakuran na pwedeng pagkarerahan ay mistulang

maliit na kahon dahil sa pagsisiksikan.

Di nakapagtataka, dahil hari ang nakaburol dito.

Ang hari na kailan lang ay isang payasong

binabato ng sari-saring putik.

Haring di marunong mag-ingles. Di gaya nila.

Haring di tapos ng kurso. Di gaya nila.

Mas magaling daw sila.

Pero, siya pa rin ang hari ng masa.

Haring walang pinag-iba sa kanila.

Naka-maong, leather jacket,

may twalya sa leeg, may hawak na Pale Pilsen,

sinasalita ang salita nila.

Kinakain ang kinakain nila.

Nilalakaran ang nilalakaran nila.

Baduy ang humahanag sa kanya.

Tanga ang boboto sa kanya.

Bobo ang bumoto sa kanya.

Ano nga naman ang alam niya?

Sa foreign policy?

Sa foreign investors?

Malamang wala nga siyang alam.

Malamang mababaw lang ang kanyang alam.

Marahil, ang alam niya ay ang

problema ng mga Pitong Gatang,

ng mga Culiat,

ng mga Parola.

Marahil alam niya ang probema

ng mga biniktima ng mga foreign policy,

ng mga foreign investors.

Alam niya, kasi siya ang hari nila.

Kaya’t wag tayong magtaka

kung hanggang overpass ang pila.

Kung box office ang burol niya.

Kung magkaroon ng stampede, makita lang siya.

Kung gutay-gutayin ang bulaklak na bigay ni Gloria.

Wag na tayong magtaka.

Wag na tayong magtaka dahil

ito ay isang bayang lagi’t lagi

ay naghahanap ng ituturing na bida.

At siya, si Ronald Allan Poe, ang hari,

ang napili nila.

___________

wala lang, ko lang batiin si roma, “welcome back to the real world”

One thought on “Last Full Show

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s