norah jones


pumikit lang ako sandali
para masabi ko sa sarili
na nakatulog ako.
pero ang totoo
nababahala ako.
ayoko pang matulog.
kinakabahan ako sa pancit
na itinira ko para sa iyo.
at kinakabahan din ako sa di mo pag-uwi.
gusto kong bantayan ang pancit.
pati na rin ang iyong pagdating.
gustong tiyakin na walang masamang mangyayari
sa pancit.
na sana, hindi ito mapanis sa pag-iral ng gabi.
tulad ng taimtim na dalangin
na sana’y ligtas ka ngayong gabi
at uuwi na walang masamang nangyari
at kakainin ang di napanis na pancit.

2 thoughts on “norah jones

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s