agawing muli ang agimat


sabi nila
-agaw agimat
Sabihin man nilang ako ay bata pa
‘Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
“Mag-aral ka pa,” iyan ang sabi nila

Maaring sa isang punto, sila ay tama
Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga
Dahil ‘di ko pa naranasan buhay ko’y itaya
‘Di ko pa naranasang sumagupa sa digma

Maaring kulang din ang aking pagkaunawa
Sa mga suliranin ng ating bansa
Maaring kulang din ang aking kaalaman
Sa iba’t ibang daing ng ating sambayanan

Ngunit dahil ba kulang pa’ng aking karanasan
At marami pa ‘kong dapat pag-aralan
Ang pag-ibig ba nila’y ‘di ko kayang pantayan
Para sa ‘kin ito’y isang maling kaisipan

Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan
Ay sa puso at hindi sa isip lang
Ito’y nararamdaman at hindi napag-aaralan
Ito’y walang kinikilalang edad kailanman

2 thoughts on “agawing muli ang agimat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s