isang hapon sa serenity gardens

daddy.
oy.
ano ginagawa mo dito?
wala lang.
traffic sa commonwealth. nag-away pa yung driver na sinasakyan ko tsaka yung isang driver ng pajero. nagkakarera kase sila. tas pag nauunahan nung driver yung pajero, bubusina sha. tas pag yung ajero naman ang mauuna bubusina rin sha. tas nagkaroon ng pagkakataon na maka-harurot ng husto yung jeep tas bumusina ulet sha. eh naasar ata yung driver ng pajero. habol sha, tas pull over sa gilid, tas binaba yung bintana nya. sabay sigaw,” ano problema mo?” mejo natakot yung driver, “ser wala po. sori po.”
ako na nga lang ang pasahero kaya bandang litex, binaba nako. pinalipat ako ng ibang sasakyan. tas yun diretso nako. bumaba ako ng SM lagro. papasok sana ako,magpapalamig. kaso kaso sabe ko hapon na kaya sumakay nako ng bayan-nova. gawa na pala yung robinson jan no?
ah oo. andame na nga napupuntahan ng mga taga-dito. dati pumupunta pa kame ng cubao para lang makapamasyal. ngayon..
si yuyus?
anjan lang yun baka nagsasaranggola na naman jan. o baka nasa uncle mo. dumaan ka na ba dun? anlayo kase eh. kaya biira ako puunta dun. si julius madalas dun konte lang kase tao dun di maingay.
di pa. baka mamya pag-uwe.
kapatid mo? chaka mommy mo?
me trabaho na yun, assistant sa library ng san beda. si mommy dun pa ren nagtatrabaho.
ah ok. kumain ka na ba?
di pa kulang yung pera ko. baka jan nalang mamaya sa bakery jan paglabas.
dad, number?
number?
bigyan moko ng number. isip ka ng anim na number from 1-45, uh, sige 1-49 para mas marame ka pagpilian. kung ano una pumasok na number sa isip mo bigay mo saken.
baket? aanuhin mo yung number?
basta.
tataya ka sa lotto no?
hehe.
kita mo to. ako pa hiningan ng numero. o sige sandale. uhm. 2. 25. 16. 28. 39. tsaka, 9.
at baket naman naisipan mong tumaya ng lotto? gusto mong yumaman? kala ko ba aktibista ka? tas gusto mo yumaman. baka magalet sayo si satur ocampo nyan hahaha.
sus, wala lang naawa nako ke mommy eh. tsaka marame ako plano pag nanalo ako sa lotto. marame ako bibilhin. gusto ko tumigil na sa trabaho si mommy. ang baba ng sweldo nila doon. di naman sila makapagtayo ng unyon. alam mo yan kase abogado ka.
oo naman dapat me sapat na bilang ng empleyado o workers para makapag-unyon sila. aba’t naging trade union lawyer pako. hehe
tas si geh gusto ko magawa nya yung gusto nya nagbabanda kase yun eh. ipapatayo ko sha ng tugtugan, negosyo na ren.
tas gusto ko ren tulungan yung girlfriend ko. oo nga pala di ko pa sha naipapakilala sayu no? yun grad ng nursing yun. eh in demand ang nursing ngayon abroad kaya gusto nya samantalahin. alam ko mejo ayaw nya kase shempre mahirap nga naman sa ibang bansa. mahirap mag-adjust. di a naman loner yun. malulungkot yun. gusto ko sha pagnegosyohin na lang dito. o kaya kung ano gusto nya gawen. dito na lang sha.
uhm. me hidden agenda ka jan no? ayaw mo sha paalisen no?
shempre naman pero..
ok, sana manalo ka nga hahaha gudlak. hahaha.
pramis pag nanalo ako sasama nako sayo.
di naman kita sinasama ah?
wala lang. kase parang yun na lang kulang sa buhay ko yung mapasaya ko sila. kaya pag nangyari yun ok na.
andrama mo sabe ko sayu kumain ka na. umuwe ka na nga baka ma-traffic ka ulet. sasabihen ko na lang sa ading mo na nagpunta ka dito chaka sa uncle junior mo.
sige dad.
___________________
lrustico casia october 28 1990

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s