PARANG AYAW NILANG MABALITAAN

sa pinakasulok ng malapad na mukha
ng isang broadsheet,
isang balita ang nakikipaggitgitan
sa litrato ni gloria arroyo
habang nagpiprisinta diumano
ng isang hinihinalang lider diumano
ng mga terorista diumano
na nahuli diumano
ng magigiting diumanong
pambansang kapulisan.
isang aktibista ang dinukot: patay.
ni hindi naitama
ang espeling ng pangalan.
ni walang pinaghihinalaan.
wala ni edad
o kung kung saan naninirahan.
kung binata pa o ilang anak ang naiwan.
kakatwang iba ang ngiti
ng ginang na nasa larawan.

One thought on “PARANG AYAW NILANG MABALITAAN

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s