Cerebral Palsy

mabuhay ka pa sana ng matagal.
kahit di ka normal.
kahit lagi ka umiihi sa higaan mo.
kahit di ka makatulog nang hindi ko kinakamot ang iyong braso.
kahit naglalaway ka pag nakasakay tayo sa jeep.
kahit tumatae ka sa diaper na di mo sinasabi.
kahit maaga kang nagigising.
kahit di ka tumitingin sa akin.
kahit di kita mautusan dahil di ka naman makatindig.
kahit ang kinakain mo lang ay durog na kalabasa.
kahit di ka nakikinig sa’kin pag kinakausap kita.
kahit di ko pa naririnig mula sayo na mahal mo ako.
oo, kahit maraming kahit.
————
nakasakay kame kahapon sa jeep ni
roma galing ng mcccl convention. nung pumara sa jeep
ang isang inang kasama ang kanyang anak.
bumababa sila sa childrens hospital.
di ako makatingin sa bata.
may kapansanan sha.

One thought on “Cerebral Palsy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s