First time ko sa emergency room ng isang ospital. …

First time ko sa emergency room ng isang ospital. first time makapunta at first time na ako mismo yung dinala dun. isang “first” na di papangarapin ng kahit sino. ang mahal kaya maospital at masakit physically depende kung bakit ka andun.
i had a face mask nun kaya i can brutally hear my breathing. tahimik kase, yung lumang aircon lang ang maingay. maliban den sa paminsang minsang ingay ng mga doctor na nag-iinterview sa mga pasyente at kamag-anak ng pasyente [kung di na makausap yung pasyente].
ilang taon ka na?
umiinom?
naninigarilyo?
meron bang me diabetis sa inyo?
asthma?
isang lola yung nilagyan ng tube from her mouth down to her throat ewan kung saan papunta yun. masuka-suka yung lola. i damn pity her. sobrang nakakaawa.
pede bang wag na lang doc?
sa kabila, isang may katandaan ding babae ang kinkuhanan ng blood samples. alingaw-ngaw ang salitang “ARAY” sa buong ER. kung hinde pa yun manifestation kung gano sha nasasaktan ewan ko na.
iniisip ko pa ren kung baket ako nandun. ni hindi nga ako nahihilo. to think na kahit yung doctor eh nagsabi na mas malakas pa saten to [sa kausap nya]. kaya yun in-enjoy ko na lang yung stay ko dun. yun e kung enjoy ngang matatawag yun.
sa maliit na kwartong iyon isinugod at nawalan ng buhay si maningning miclat. marahil sa sulok sulok ng kwartong iyon naiwan pa ang mga hinagpis nung mga kaibigan ni maningning nung ibalita ng mga doctor na wala na sha.
sad.
8:30pm ako dinala dun. inakyat ako sa isang regular room for admission 1am na. wala nang emergency cases sa pagitan ng mga oras na iyon. isa sa inaabangan ko pa naman. dumadating na yung mga papalit sa staff na andun. masaya na yung mga pwede nang umuwe.
tumingin ako sa labas. nagsusulat sa logbook ang guard. sa mas labas pa, mahinang ambon ang nagbabadyang lumakas.

2 thoughts on “First time ko sa emergency room ng isang ospital. …

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s