PINAGKAKAMALAN KONG BITUWIN ANG EROPLANONG UMIILAW…

PINAGKAKAMALAN KONG BITUWIN ANG EROPLANONG
UMIILAW ANG BUNTOT
NG MATINGKAD NA PULA

muli di na naman ako sinipot ng ulan.
sa gabing walang maibigay na rason,
kung bakit ayaw ako dalawin ng antok
at ang mga tala
di ako kayang titigan.

umid ang buwan
bingi sa aking himutok.

habang hinihintay ang ulan;
buong galang kitang inihihimlay
sa aking gunita, kamalayan.
inaaliw sa pag-asang
maaawa ang tadhana.
upang sa sandaling maidlip-
di na ako pulikatin
at ang mga tugon,
di ko na hanapin.

One thought on “PINAGKAKAMALAN KONG BITUWIN ANG EROPLANONG UMIILAW…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s