STUDIO TYPE


Ang tanging gumagalaw lang sa mga sandaling ito

ay ang kurtina ng kapitbahay.

Nakatitig lang ang lahat

ng bagay, mayroon man o walang buhay.

Kahit ata mata ng Diyos.

Pinipilit kong buksan ang ilaw

sa pamamagitan ng aking isip.

Nang matabig ng pusa  ang baso sa lamesa.

natapon ang tubig,

pero walang nabasag.

Bumukas ang telebisyon.

Umandar ang bentilador.

Umugong ang refrigerator.

Lumipad ang lamok, busog na busog

mula sa aking batok.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s