FISHY Kung magiging salamin ang dingding. Magig…

FISHY

Kung magiging salamin ang dingding.
Magigi akong isang walang kwentang panoorin.
Isang animo’y isda na paikot-ikot.
Magtatalukbong ng kumot.
Dahil nakakabasag ng katinuan ang lungkot.

Mauupo, mahihiga, iinom, sisilip sa bintana.
Hahanapin sa mga dumadaang mukha
ang iyong mukha.

At muling mahihiga, hindi muna iinom
at mamaya na ulit sisilip sa bintana.

wait moko, kakagising ko lang…

Isang malaking countdown ang pagbibilang
ng mga humahakbang sa hagdanan.
Dadalingin na mga paa mo ang humahakbang.
Iisipin na pinag-iisang hakbang
ang dalawang baitang.
Upang sa kagyat,
marating agad ang tapat ng pinto namin.

papunta na ako, dont txt bak…

Nakakamatay ang kaba.
Pinapalakas nito ang lahat ng naririnig
ng abang tainga.

Kaya pala sa mga petshop
mahigpit na ipinagbabawal
na katukin ang salamin.

At alam kong batid mo iyon,
kaya marahang katok ang iyong idadampi.
At gaano man karahan,
makakahanap pa rin ako ng paraan
para iyon ay mapakinggan.

2 thoughts on “FISHY Kung magiging salamin ang dingding. Magig…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s