AT LEAST

Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat, at least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge, at least buhay sila, nakakulong nga lang, may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang,

nakakabingi ang inyong mga at least.

Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan. Parang gabundok na labahing poproblemahin. Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin. Parang masikip na briefs at basang medyas.

It sucks.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip. Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really sucks.

Bakit naman kaya ako makukuntentong- at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang, ang mga namumuno’y tila 3 for 100 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?

4 thoughts on “AT LEAST

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s