Kahapon Ito

nagising ako ni mami sa mga katagang-

“dinala ni bugoy yung fon, ipapaayos”

di ko pa alam ang mga mangyayari kaya napa-okey lang ako at nagpagulong gulong sa dakila kong kama.

late ako ulet nakapsok nung umagang iyon. di na yun bago. nauuna pa talaga ang boss ko sa aking pumasok.

nakatapos ako ng pitong san lorenzo ruiz. well, bago yun. pero di yung ang kwento for the day.

tawag ako ng tawag kay mithi sa landline nila. 3pm. wala sumasagot.

inisip ko na malamang sa hindi, tulog pa yun, tulo laway, nanaginip ng panaginip na di na niya maaalala pag gising niya.

4pm. tawag ulet ako.

wala pa den.

batsi nako ng san juan. nangako ako sa sarili ko na tatawag ako pag dating ko ng quiapo.

piesta nga pala. maugong ang bulong bulongan na pabalik na sa simbahan ang imahe.

di ko na sasabihing trapik.

bumaba nako sa arellano.

lalakaden ko hanggang tanduay.

nakakita ako ng telepono sa recto. [malamang marame dun]

tawag ulet ako. may sumagot.

napapiyok pa ako sa excitement ng tanungin sa kabilang line kung sino yung gusto kong makausap.

lahat ng excitement nalunok ko nung sabihin niyang wrong number.

dun na gumuho ang mundo ko.

my gulay, nalimutan ko ang number niya.

ang dina-dial ko 734 19 56

in short. olats.

hanap ako ng net shop. kailangan kong magtext ng makakatulong.

nag-dl pako ng chikka kase wala.

waw. wala pala akong numeber ni xane. [sis niya]

text ko si mami at goy [as ip magrereply sila sa chikka]

in short. olats.

tambay ako sa tapat nila kase. most wanted ako dun. baka i-water cannon ako.

[parang nagyun nasa tapat ako ng bahay nila]

tawag ako sa haws, nagbababaka sakaling nakauwi na si mami.

sira or nagpalit ng number sa baba? di ko na inalam.

uwi ako, umasa na makakasakay ako sa pinakamabilis na jip sa buong mundo.

pagdating ko sa haws- sarado. kaboom.

torture ito mehn.

hinanap ko yung 5110. opo sa mga oras na iyon- iyon na siguro ang pinakamagandang fon na pede kong mahawakan.

waw, ayaw bumukas.

sumuko nako.

nahiga ako sa kamang suot pa ang sapatos.

ako naman ang naglilinis nito eh.

One thought on “Kahapon Ito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s