MARS, INTRA at tamang pagdura ng plema

naglalakad kang parang

walang tinatapakan. naririnig mo

lang ang iyong paghinga,

pagtibok  ng iyong puso,

at pleme sa lalamunan mong

di mo maidura. inuubo ka

na naman. may tuberkolosis ang

buong bayan.

hinamon ka ng buong mundo

ng suntukan. titingala ka

lang, titingin sa buwan.

di nila maiintindihan

kung saan mo hinugot ang

katotohanang sa abente

syete ng agosto dudungaw

ang pulang planeta

magpipista ang mga

mag – aaral ng astronomiya

pati na ang mga naglalamay

sa mga pader ng intra.

naiintindihan kita.

hihipan mo ang aking

napuwing na mata.

ikaw lang ang nakakaintindi

sa aking abnormalidad.

iisa ang ating mundo.

doon normal tayo. walang

magtatanong kung anong trabaho

mo at di susukatin ang

pagiging disente batay sa

haba ng buhok at kapal ng bigote.

bastos tayo sa kanilang mundo.

kasi tayo lang

ang pumapansin sa kabulukan.

nagwawalis tayo kahit gabi,

winawalis ang mga kabulukan.

ng mga estero’t palasyo.

pareho talaga tayo.

pareho tayong bumabalikwas

sa kalaliman ng gabi para lang

tumingin kung may dadaang bulalakaw.

tulad ng mga bulalakaw,

sana nakikita nila ang nakikita natin.

ang langit sa piling ng masa.

ang makulay na

kalawakan ng mga salita.

ang gobyerno sa kabundukan.

ang laot sa mata ng mangingisda.

basurahan, squatters area, piket line,

naroon ang mga guro ng kasaysayan.

ang lipunan para sa atin isang malaking

pamantasan.

nagbabadya man ng unos ang hanging

amoy asin, mananatili tayo dito

tanaw ang bagong tabas na damo, at

ihilig mo ang ulo mo sa aking braso.

ngayong gabing ang naririnig lang natin

ay ang paghinga

at pagtibok ng puso ng isa’t isa,

ituturo ko sa iyo

ang tamang pagdura ng plema

at pagsinga.

wag mo nang

pansinin ang mga nakatinging mukha.

matagal na tayong

namatay sa mundo nila.    

5 thoughts on “MARS, INTRA at tamang pagdura ng plema

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s