ANIM KAMING NAKAUPO SA MGA PAGITAN NG MGA POSTE NG BIG DOME

Kawawang bata akong nakaupo sa pagitan

ng poste number one

at poste number two,

green gate ng Araneta Colliseum.

(puno ng mga paa dito pag may laro ang Ginebra).

Sa pagkakaupo at pagkakahalumbaba,

iniisip ko ang mga nagawa kong kasalanan-

sa iyo aking mahal,

sa Diyos na mahal,

at sa mahal kong bayan.

Ipagdidiwang ko ang aking kaarawang

maniniwala pa din ako

na ang lahat ng ito ay kaparusahan

sa mga nagawang kamalian.

(Ang paghahanap sa Jollibee,

sa malaking National Bookstore,

at sa kung saan namin inantay dati si Boyet.)

Patawad kung nalimutan ko ang iyong numero.

Patawad kung kinupit ko ang offering ko sana nung linggo.

Patawad sa mga panahong nalimutan kong magbasa ng diyaryo.

Patawad din sa aking sarili.

One thought on “ANIM KAMING NAKAUPO SA MGA PAGITAN NG MGA POSTE NG BIG DOME

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s