pancit

Uhm, ako yung nagtampo nung di mo kainin yung niluto ni nanay nung isang araw. Excited pa naman shang inihain sa atin kahet grabeng effort yung paglakad mula kusina papunta sa kinalalagyan natin. Pero anu nga ba ang magagawa mo kung talagang di ka naman talaga kumakain ng noodles. Ganundin siguro ang gagawen ko kung ang inihain sa atin ay adobong atay, o tortang talong, o sisig, o chicken feet o pwet ng manok.

Para di nako magdamdam, di ko na lang tinitigan ang naigang sabaw ng noodles na nasa tabi mo.

Big thing kase saken pag nag-effort ang isang tao na ipaghain ako. Talagang kahet busog mag-eefort din akong tikman yun inaalok niya. Nasanay lang kase ako na pag pumupunta sa mga “komyuniti” lalo na sa mga squatters area na tanggapin anuman yung alok ng mga taga roon.

Awa naman ng diyos wala pa naman naghahain sa akin ng kuhol.

Obyus naman siguro na maarte ako sa pagkain. kaya di ka na magtataka kung ganito ako kapayat. [mas mataba naman ako ng ilang kilo kay mithi].

Ngapala, botohan na sa lunes. Ang iboboto daw ni mami sa partylist ay Gabriela. Pinagbantaan ko shang pag di niya ibinoto ang Kabataan, di ko sha ililibre ng coke sakto.

Siguro naman sa lunes magbabago ang pasya niya.

Magiging makulet ako pero plis sa lunes sa Partylist-KABATAAN.

2 thoughts on “pancit

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s