nagulat ang lahat sa lakas ng suntok

Ewan ko ba kung baket di ako natuwa nung huli kang manalo, manny. Ewan kung baket inaantay ko na ikaw naman ang ma-knockout ng kalaban mo. Weird, bayani ang tingin nilang lahat sa iyo pero sa maliit na sulok ng puso ko humihiyaw ako nung tamaan ka ng isang matindi.

Nafrustrate ako nung di ituloy ng iyong kalaban ang kanyang atake sa iyo. Konti na lang sana, olats ka na. 

Kalaban mo ang bumagsak.

Inisip ko na lang na di pa talaga umaakyat ng ring ang makakatalo sayu uli.

Tumakbo ka sa kongreso. Lahat ng pulitiko gustong itaas lahat ng kamay mo .[at maitaas in return ang kamay nila] Ikaw naman yung sinubukan nila nung di umubra si buboy.

Marami kang natutunan para sa isang baguhan. Inambush ka, pinagbantaan, namigay ng kung anu anong pangako.

Sabik ang lahat na mahawakan ang kamao mong nagpatumba sa mga magigiting na boksingero sa buong mundo. Napagkamali mo din sigurong ang pagkamay nila sa iyo ay nangangahulugang iyo ang boto nila.

Kaninang umaga, ginising ako ng balitang, malapit mo na matikman ang isang knockout na pihadong di mo malilimutan.

Nuon pa naman natutuwa nako sa kinakapatid mong si darlene.

Mas lalo ngayun. Oo, manny, mas lalo ngayun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s