burnt sienna

Palabas mamaya ang pepot artista. Paaaaangalawang beses ko na itong napanuod. Ewan kung may kaugnayan ang pagkamatay ni yoyoy sa re-run nito sa local tv. May part kase dito si mang yoyoy. Wala naman siguro, kase may isang linggo na itong pina-plug sa Sinko.

Alas otso na. Kung aabutan ko ito malamang kalagitnaan na.

Pancit lang ang kinain ko kanina. May kaugnayan siguro ito sa mga kabalbalang nangyari sa kin. Toinks.

Yung isip ko pedeng ihalintulad sa paggiba sa Agora market. Ampanget.

Naisip ko si James Yap nung imintis niya yung lay up na magdidikit sana sa Pfuds sa redbull. Napatayo ako sa upuan nun. Napaupo ako tulad ng maraming napaupong nagtatanong kung baket nagmintis. Baket kung kelan patapos na saka nagkaganun.

Kung paano ako napaupo nuon ganun din yung pagkakaupo ko kanina. Malapit ko nang ikatuwa yung sa maghapong stint ko eh anglinis ng trabaho ko. Finishing touches na lang, Aylabet na.

Yung kamalasan parang pusang inililigaw. Laging naghahabol.

Dumikit sa basang pintura yung isang side na pinipintahan ko. Gumawa sha ng maraming tuldok. Kung titignan sa malayo, parang constellation Draco.

Kyut sana.

Pero di pde. Nilabhan ko. Armado ng maliit na piraso ng sabong panlaba [irrelevant na ang brand ngayun]. Kuskos. Natatanggal naman. Pero mas lumala. Kumalat yung ibang napintahan na. Parang lumabas yung kaluluwa nung pinipinta ko.

Madilim na.

Di ko pala nakain yung biskwit ko sa bag. Nakalimutan kong gutom ako. Ang nasa isip ko ay kung paanu ko itatago ang krimeng nagawa ko.

Ang nagdirek ng pepot artista ay si Doy del mundo. Sha ang sumulat sa ilang kyut na pelikula [Maynila… Sa mga Kuko ng Liwanag, ‘Merika, Mulanay, Aliwan Paradise, and Markova].

Nung mapanuod ko ang Mulanay di ko pa sha kilala. Basta sabi ko anggaling ng mga linya.

So sha pala yun.

At alam mo bang nasa tenga ko ngayun si gary granada, kumakanta sha. Kinakanta ang kanta ni lidy kay lean..

Di ko maikakaila ang pag-aalala Na sa tuwi-tuwina’y dala-dala Nangangamba, nangangamba na baka mapahamak ka.

Dapat sarilinin ko na lang. Kayrami-rami mong pasan-pasan. Baka lalo ka pang mabibigatan.

Itatago ko ang aking kaba.At ikukubli ang pangangamba.Ngunit sa dilim ay napapansin mo ang takot ko . Ang dinadaing koy para sa iyo.Ang unti-unting matutunan ko.Paano mahalin. Paano mahalin ang katulad mo. Di ko maikakaila ang pag-aalala. Ngunit di ba mas mahalaga, Ang dinggin ka, intindihin ka,Samahan ka sa bawat pasya. Paano ba ako makakagaang.Paano ba ako makakatuwang.Paano kung ako ay nasasaktan.Itatago ko ang aking kaba. At ikukubli ang pangangamba. Ngunit sa dilim ay napapansin mo ang takot ko. Ang dinadaing koy para sa iyo. Ang unti-unting matutunan ko. Paano ba ako makakagaang.Paano ba ako makakatuwang. Paano mahalin.Paano mahalin ang katulad mo. Paano mahalin.Paano mahalin ang katulad mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s