tingin sa kanan

Ang tindi ng ubo ng katabi ko sa bus kagabi. Sa gilid ng kanan kong mata nakikita ko ang malalamig na pawis na tumutubo sa  mukha niya. Sa ilong, sa pisngi, sa noo, sa tagpuan ng dalawang kilay niya.

Naalala ko nung minsang ubuhin din ako ng grabeng ubo. Yung ubong parang katapusan na ng mundo. Yung feeling ko kulay violet na ako, ay hinde-

Blue green.

Tama blue green, kakulay nung chuck taylor ko dati.

Naisip ko sana namatay na muna ako kahet dalawang minuto, yung shutdown talaga. Yung tigil lahat ng sistema. Shempre temporary lang, yung magigising din ako pag may nagtext. Maliit na kamatayan lang para tumigil yung ubo ko. Para tumigil yung pagpapawis ko kahet sakin nakatutok ang aircon.

Bulag ako sa mga nangyayari sa labas.

Ang bintana ng inuupuan ko ay may nakadikit na dambuhalang sticker. Pangako ko sa aking sarili na pagbaba ko titignan ko kung anung meron sa sticker na iyon.

Feeling ko litrato ni James Yap.

Wala akong idea kung nasaan na ako. Ang meron lang ako ay maliliit na detalye sa kung anung mundo meron sa labas. Signage ng 711, DHL, Sr Pedro. Mercury Drug.

Poster ni Ali Atienza.

Ganito siguro ang feeling nung mga tripulanteng nasa pinakababang deck ng isang barko.

Ganito din siguro ang feeling nung mga asong dadalhin sa Baguio para gawing pulutan sa mga resto dun.

Ganito din siguro yung feeling nung mga tibak na isasalvage ng mga militar.

Nag-aantay kung saan titigil.

Pumara ako.

Ayaw tumigil ng bus.

3 thoughts on “tingin sa kanan

  1. nung papunta ako ng SSS Welcome kanina (bandang tanghali ito) ay nakita ko ang ilang mga kabataang nasa labas ng UST. i’m not sure kung nagpoprotest sila, ang alam ko Kabataan Party-List yun. share ko lang🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s