SAYO NA AYAW PATAWAG NA GARCI 2

At gusto mong paniwalaan ko

na di mo talaga alam kung paano nawala ang mga CoC’s?

Kung sinabi mong-

habang papunta kayo sa Maynila

para i-deliever sa national canvassers

ang resulta ng Maguindanao,

biglang may dumating na apat na dragon.

Yung dalawa, tatlo ang ulo.

Yung isa, singlaki ng Mall of Asia.

Yung isa, malaki lang ng kaunti

sa bus na byaheng Ayala-LRT-Leveriza.

At inatake kayo.

At maraming poll watcher ang napuksa.

(pansamantalang di isinapubliko ang kanilang mga pangalan

habang ipinapaalam sa kanilang mga kamag-anak ang kanilang sinapit)

At mabuti na lang at may kasama kayong

nagtapos ng Biology sa Harvard

at may biyaya na makipagusap sa mga hayop.

At nakipag-negotiate na hayaan kayong makabalik ng Maguindanao,

kapalit ng mga CoC’s.

At pumayag ang mga dragon.

-baka naniwala pa ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s