hatiin ang rc sa dalawang baso

Nung isang gabi ang ikaapat na sunod na gabing nabitawan ko ang aking hinuhugasan.

Sa pagkakataong iyon, tasa.

Gusto kong isisi sa dulas ng sabon versus tasa. Pero malinaw na lack of focus ang suspect. Kung paanong kung minsan ay nalilimutan kong may isa pang hakbang ang inaakyat kong hagdanan, kaya lagi’t laging muntik muntikanan akong natitisod. Swerteng di pa naman ako nahuhulog ng hagdan sa ilang dekada kong pag-iral.

Swerte rin na plastic ang ginagamit naming kainan, at inuman.

Iyon nga siguro ang dahilan kung baket may mga plastic na pinggan, at tasa at mangkok. Para iwas basag pag ang naghuhugas ay madulas ang kamay. At walang focus.

Si mami ang mahilig uminom sa babasaging baso. Ewan ko pero mas masarap daw uminom dun. Minsan walang masarap kundi malamig na tubig. At malinis na tubig.

Minsan yun lang naman talaga ang kailangan ng tao para mabuhay. Malinis na tubig.

Nauso lang talaga ang iPod, ang digicam, ang sinehan at celfone, ang wendy’s at kfc at chicken mcdo. At coke sakto, rc.

May commercial na ang Rc.

Gusto ko ng Rc mamaya pag-uwi ko. Malamig na Rc.

Minsan walang masarap kundi malamig na Rc.

3 thoughts on “hatiin ang rc sa dalawang baso

  1. Mahirap to ga, you can’t live on that alone. I mean you can look at some things that may seem like luxuries and not necessities but if you want to keep up with everything, with what’s happening, it’s inevitable to go with the flow. The context of going with the flow is not entirely loosing yourself naman, kase you might reason out na you don’t want to go with the flow kase you loose your identity, but really, if you say to me that, okay you can live on water alone, gaaah, mehn, I don’t think that’s true.

    Think about this not in the literal sense of what I typed.
    Think about it. Not about iPods and digicams and all that sorts.

  2. Pingback: Transformers info and links

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s