giliw wag mo sanang isipin na ikaw ay aking lilisanin

Dalawang kapitan lang ang kilala ko, dalawang pangalan lang ang papasok sa isip ko sa tuwing mababanggit ang pantukoy na ito.

Si Alvin Patrimonio at si Tito Cesar.

Sa isang barangay sa Lipa Batangas, iniluklok na punong barangay si Tito Cesar. May taglay na karisma at angas, ipinanalo niya ang karera sa kabila ng maliit na pondo at ilang piraso ng kaalaman sa serbisyo publiko [minana niya kay lolo].

Kakaunti lang ang alaala ko kay Tito Cesar, maliban sa ilang paskong ginugol namin sa bahay nila, napakabihira ko siyang makita [mas madalas ko pa ngang makita yung lolong sumasakay ng PVP at bumababa sa may Mayapis].

Ang pinakamalapit na pwede naming ilapit ay ang panahon ng pagmamano. Tradisyunal. Matapos yun, paghihiwalayin na kami ng tawanan ng mga pinsan, kalampag ng mga pinggan at videoke.

Kaya kakaiba ang huling pasko, tinawag niya ako sa aking pangalan at hiniling ng maipinta ko ang kanyang portrait. Matapos niyang marinig ang aking “opo” mabilis niyang pinakuha ang kanyang litrato.

Sa kaya-ko-at-di-ko-kayang maipaliwanag na mga dahilan, hindi ko nagawa ang painting. Inabot ng ilang buwan. Hanggang sa lumubha ang kanyang karamdaman at taningan ng ilang buwan ng mga duktor.

Inumpisahan ko agad ang pagpipinta. Ayokong mahuli ang lahat na di niya makita ang hiling niya.

Natapos ko at naipadala sa Batangas ang portrait. Nung ipakita daw sa kanya yung painting, tinignan lang niya.

Mahinang mahina na si Tito Cesar.

Kinabukasan [hulyo 16], ilang minuto bago mag alas diyes y medya, payapang pumanaw si Kapitan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s