he’ll always be the guy who took of his shirt to wipe away her tears

 My Life Without Me

Paborito mo ba ang Milli Vanilli? Gumagawa ka ba ng swimming pool na cresent shaped?

Obsessed ka ba sa pagda-diet pero monster ang iyong apetite?

Malapit ka na bang mamatay?

Sana napanood mo ito, MY LIFE WITHOUT ME, produced ng mga Almodovar, isinulat at dinerek ni  Isabel Coixet.

Istorya ni Ann, batang ina ng dalawang “little lions” na nagkaroon ng tumor na nakaapekto sa kanyang liver. Inakala niyang buntis na naman sha nung una pero yun nga, complicated na pala. Tinaningan sha ng duktor ng dalawang buwan para mabuhay.

Anemia ang binabanggit niyang sakit niya sa tuwing may magtatanong kung anung saket niya. Ayaw na niyang maka-hassel pa sa pamilya at kaibigan niya kaya nilihim niya ang totoong karamdaman.

Habang inaantay ang D day, gumawa sha ng listahan, tipong “things to do before i die.” Tampok sa listahan niya ang pagrecord ng birthday messages para sa kanyang dalawang anak taon taon hanggang sa ika-18th birthday nila. Gusto rin niyang maranasan maki-pag sex sa ibang lalaki maliban sa kanyang asawa at makapag-paibig ng ibang lalaki. Nais din niyang ihanap ng kapalit niya ang kaniyang asawa, yung magmamahal sa mga anak niya na parang totoong mga anak.

Matutupad naman niya ang mga nasa listahan. Mabuti naman.

Makikilala niya si Lee, isang binatang may bahay na walang furniture, ni baso. Mapapaibig niya at makaka-sex. Sa bandang huli aaminin din niya sa kanya na minahal din niya ito.

Magiging importante ang papel na sumuri sa kanya sa pagtupad ng listahan dahel ito ang taong taong magbibigay ng mga recorded messages sa mga anak, ina, asawa, at kay Lee.

Sa bandang huli makikilala niya si Ann, isang nurse na bagong lipat sa kabilang bahay. Makakagaanan niya ng loob ito ganundin ng kanyang mga anak. Simbolical ang huling eksena ng peliklang ito kung saan iimbitahan niya si Ann para sa isang dinner. Magiginag mahina ang katawan niya sa araw na iyon kaya papakiusapan niyang makatulong si Ann sa prepration. Dito makikita sa frame si Ann kasama ang kanyang iiwanang pamilya. Kahit papano may picture na sha ng buhay na wala sha.

Kaya panatag shang pipikit, at mahihimbing na walang panghihinayang.

Bida sa pelikulang ito si Sarah Folley, kilalang aktibista at filmmaker sa Canada. Minsan nang nalagasan ng ngipin sa isang demo. Naging jury na rin sha sa Cannes at Sundance filmfest. Gumanap naman bilang Lee si Mark Ruffalo. Napanuod ko na sha sa sandamukal na indie at feature films. Nadiagnosed shang may brain tumor dati pero nakarecover naman matapos ang operasyon. Si Scott Speedman naman ang gumanap na asawa ni Ann. Cute ang pagkikita nila, sa isang concert ng Nirvana nakita niyang naiiyak sa tuwa si Ann, gustong mag-papogi hinubad niya ang kanyang tshirt para ibigay kay Ann para pamunas.

Malungkot na pelikula. Sigh.

Mark Ruffalo My Life Movie

Life is so much better than you think, my love. I know because you managed to fall in love with me even though you saw, what was it, you said 10%? Five maybe? Maybe if you’d seen it all, you wouldn’t have liked me. Or you would have liked me in spite of everything. I guess we’ll never know…

-Ann

2 thoughts on “he’ll always be the guy who took of his shirt to wipe away her tears

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s