Dangwa

Dalawa ang konduktor ng tsuper.
Isang lalaki at isang babae.

Sa kulay ng balat at hugis ng eyeball,
madaling ideklerang anak ang dalawa.

Nagbibilang ng barya ang lalaki,
pinagpaparis ang piso at lima at sampu at bente singko.

Nakatingin sa labas ang babae.
Walang partikular na direksyon.
Kung ano lang ang mahagip ng paningin.

Plate number ng Fortuner, kariton ng calamares,
payphone ng Bayantel,
at asong nagsesex.

Sa likod ako ng driver nakaupo-

at madalas magkapareho ang aming tinitignan.

4 thoughts on “Dangwa

  1. naholdap ako sa dangwa.
    hiningan ako ng pera
    ng holdaper
    na ninenerbyos pa
    hawak ang gunting na
    pangtatarak sa akin
    kung sakaling ako’y pumalag.

    pero wala siyang nakuha.
    nakita niya ang eskinol at bulak
    sa aking napsack na bag.
    kaya ang kanyang ginawa
    naglinis na lang mukha
    at umalis
    na mukhang kawawa.

    p.s.
    totoong nangyari iyan sa akin.🙂

  2. Hindi pa ko nahoholdap, pero merong insidente dati…nakasakay kami ng nanay ko sa jeep. sabay naming napuna na iniislit ng lalake sa tapat namin yung bag ng katabi nyang babae. agad-agad kaming bumaba na naglakad. tapos biglang bumababa rin yung holdaper tapos hinabol kami. :p syempre todo takbo kami, buti na lang malapit yung baranggay nun. natanggan nga yung isang pares ng tsinelas ko nun eh. >.<

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s