Where are the Filipino Youth?

sa isang pinapakalat na email. tinuran ni harvey keh na
di lang sa mga rally pinapakita ng mga kabataan ang
kanilang pakikisangkot. marami raw paraan bukod sa pagbuhos
sa lansangan, pagsigaw ng mga panawagan.
sasangayon ako sa kanya na sandamukal ang mga paraan.
pero yung sandamukal na paraan na yun ay ituturing lang
ng gobyerno na gawa lang ng iilan kung hindi ito makikita
ng pisikal.

oo nga pede kang magblog tunkol sa pagkaimbyerna mo kay gloria.
gumawa ng painting. magkalat ng hate mails laban sa admin.
magforward ng mga texts, pero kung di ka naman
makikita ng pisikal, ituturing ka lang na silent majority.
o baka sabihin na nasa propaganda arm ka lang ng oposisyon.
o sabihin na ilang tao lang naman yan na gumagamit ng
maraming identity para masabing madami.

creative ang kabataan. ipapakita niya sa iba’t ibang paraan
ang pagnanais niya sa mabuting pamamahala. kailangan niyang
lumabas, sabi nga “and be counted”.

kung alam niyang tama ang kanyang ginagawa-
wala siyang dapat ikatakot,
walang dapat ikahiya

7 thoughts on “Where are the Filipino Youth?

  1. Sangayon ako sa turan mo. Marahil sa tamang panahon, pag may kahandaan na maaring sumama sa mga rally ang maraming kabataan na nasa kumplikadong sitwasyon. Karamihan kasi sa mga kabtaan ngayon ay kinakailangang magtrabaho para matustusan ang pangangailangan sa pang araw-araw. At ang isang araw na pagsama sa rally kung may pasok sa trabaho ang mangangahulugan ng isang araw na kabawasan sa sweldo. MArahil sa tamang oras at tamang pagkakataon makakasama rin ang silent majority sa mga rally. Ngunit sa ngayon, creative muna kame. hehe

    Salamat sa mga quotes mo kahit di ka talaga ma-joke in person. Naalala mo yung tulang pina-check ko dati sa iyo? Na-record na siya in full band. eto yung link http://myspace.com/proxyprexy HUsh ang pamagat.

  2. precious, tama naman, di naten kailangan ng unneccesary sacrifices. pero, kelan nga ba ang tamang panahon?

    maganda na imaksimisa naten ang lahat ng pagkakataon, papasok ka? makipagtalakayan ka sa mga kaklase mo tungkol sa mga current events, may work ka? sa breaktime umpisahan ang kwentuhan makabuluhan pass muna sa tsismis, itaas mo ang kamulatan sa pultika ng kasama mo sa trabaho.

    ging, itanong mo ka yaya kung batuta na lang ba ang katapat ng pakikisangkot naten sa mga pangyayari. ito lang ba ang ihahadlang?

    tara, takas. hehe

  3. speaking of educ da masses.. aba ang mga teammates ko ay nagtatanong tungkol sa economic recession sa US at shempre may konek sa anti-outsourcing na posisyon ni obama.. yun.. kaya shempre discuss din ako.. hehe.. at trillanes ang tawag sakin d2 sa opis.. hehe..

  4. Hindi malalaman ng isang kabataan ang totoong pinaglalaban hanggat hindi niya nararanasan ang nararanasan ng bawat taong sumisigaw sa lansangan at nanghihingi ng katarungan

    Hindi niya mababatid ang katotohanan hanggat di siya ang mismong nagtiyatiyagang mababad sa ilalim ng araw upang malaman ang sigaw ng karamihan

    hindi niya malalaman hanggat hindi siya nakikialam.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s