70 percent

Ayon sa Pulse Asia survey, 70 plus percent daw ng mga kabataan ay di sasama sa mga rally kontra GMA. Tatlong dahilan yung binigay, una mas kailangang magtrabaho, pangalawa kailangang mag-aral at pangatlo mas marami pang mas makabuluhan bagay na pwedeng gawen kesa mag-rally.

Walang oposisyon sa naunang dalawang dahilan. Sa hirap ng buhay, talagang malaking bagay o kabawasan ang isang araw na pag-absent sa trabaho. Above average o minimum, sayang pa din yung kikitain sa isang araw. Wala namang bayad sa rally, gagastos ka pa kase magugutum ka at mauuhaw.

Mahirap din ang isang araw na pag-absent. Bagamat may reserbasyon ako sa dahilang ito, tatanggapin ko naman.

Totoong marami sa mga estudyante ang umaabsent basta lang sumpungin ng katamaran, meron pa din naman talaga na adik pumasok sa eskwela.

Iniisip lang nila yung kinabukasan nila.

Yung pangatlo ang puzzle. Hehe. Mahirap ispelengin. Parang yung longest word sa Text Twist.

Kase naman, anu ba talaga yung makabuluhan para sa kabataan sa ngayun?

Yung mas may kabuluhan pa kesa paghahanap ng katotohanan at pagpapanagot sa mga umatraso sa mga mamamayan.

Sandamukal yung nagpunta sa Lovapalooza, punong puno yung mga kompyuteran sa morayta ng mga naglalaro ng DOTA, siksikan sa Megatrade Hall ng Megamall nung Toy Con last year, at malamang mapuno ang Araneta sa concert ng Incubus na 500 pesos ang pinakamurang tiket.

Baka mas may kabuluhan pa yun kaya mas maraming kabataan yung nagpunta/magpupunta dun.

Baka nga.

Dun sa survey, may 20 plus percent naman sa sumama, sumasama, sasama sa mga rally/ activities kontra katiwalian ng pamahalaan.

Sila din iniisip lang nila yung kinabukasan nila, sila din concern sa mga pangangailangan ng pamilya nila.

Kaliwa’t kanan ang mga anomalya, karahasan ng pamahaalaan sa kanyang mamayan.

Maraming tao ang nag-aalay ng buhay at kabuhayan para sa paghahanap ng katotohanan- madamot ka ba talaga sa panahon o ang lahat ng ito ay wala lang talagang kabuluhan?

One thought on “70 percent

  1. totoo. Nalulungkot ako na wala rin akong magawa sa sitwasyon ko ngayon. Gustuhin ko man sumama sa mga rally, kalusigan ang kalaban ako dahil sa skedyul sa trabaho. Totoo. Hindi rin ito ganap na dahilan upang katwiranan ang pag-absent sa paghahanp ng katotohanan. Pero yung may ibang dahilan (na di binanggit) malabo pa sa sabaw kong utak. Mabuti pa sila. Mas may malaking pagkakataong sumama sa mob.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s