KAY JEMA, KASAMANG DI PERSONAL NA KAKILALA AT SA PICTURE LANG NAKITA

Rustum Casia
Sa iyong pagkamatay.
Sa aming mga patuloy na nabubuhay.
Sa iyong pag-aalay.
Turuan mo sana kaming mga naiwan.
Gisingin mula sa katamaran-
at writers bloc.
Gisingin ang mga walang maisulat na makabuluhan.
Gisingin ang mga kasamang nag-lie low.
Ang mga nagpakasubsob sa trabaho,
mga na-demo at mga na-DA na ayaw magwasto.
Ang mga may isyu at patuloy na nagtatampo.
Gisingin rin pati ang mga hibang
ang mga nagtatapang tapangan-
sa likod ng mga pen name.
Ang mga aktibista lang sa salita at tula.
Ibalik ang mahigpit na pagtangan sa panulat.
Tapat, sinsero, at di nag-aantay ng kredito.
at muli kasamang Jema,
turuan kami,
kaming lahat na ang pagsusulat
ay katulad ng dasal-
di sasapat.

5 thoughts on “KAY JEMA, KASAMANG DI PERSONAL NA KAKILALA AT SA PICTURE LANG NAKITA

  1. madaming pangyayaring nakaka-demo,pero ngayon medyo na boost yung morale ko at ang pag-asa,(buti at nadalaw ako dito,salamat sa talinhaga tsong,sa mga oras na ito nabuburyo ako habang nakasalang bilang human answering machine,saklap), hindi ito ang tamang pagkakataon magLL,kailangan tayo ng panahon,kaya kahit maraming kontradiksyon ay kailangang magpatuloy,pudpod na ang tsinelas ko,ngayon pa ba ako titigil?padayon!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s