panis naman talaga ang carper eh

twenty years na ang existing or shud i say non existent na carp. ang mga hindi nito nagawa sa loob ng mga taong ito ay itutuloy sa susunod na limang taon. naging matagumpay ba ito? siguro oo, kaya nga atat silang suportahan ang extension nito [wid reforms kuno]. well, masasalamin naman ito sa kung gaano kaalwan ang buhay ng mga magsasaka sa pinas at kung gaano kaliit ang mga hacienda, golf courses, mall, at mga farm ng mga panabong na manok.

sa pagsulong ng carper sa kongreso at malamang maging sa senado, kataka-takang pinaboran ito ng mga cong. arroyo at cong. garcia. himala ba ito? himala ba na tinupad ni gloria ang pangako niyang ipapasa ng mga tropa niya sa congress ang extension? o talagang hindi naman talaga threat ang carper sa mga maliligayang araw ng mga landlord?

sa serye ng lakers at nuggets, keber kung libre si “the birdman” anderson, kulang na lang na wag shang bantayan. ibinibigay din kay kenyon martin yung outside shot. mas pinopokusan ng atensyon at depensa si melo anthony. mas delikado nga naman sa asam na nba finals pag pumutok si melo.

ganito din kaya ang nangyare?

kung ayaw mong tawaging panis ang 20yr old na non exixtent na program, indi ko na alam kung ano pa ang pedeng itawag. ibang istorya pa ung mas kagustuhan mo pang kainin ito. sana lang shempre, maayos pa yung kalagayan mo bago pa dumating yung inaasam mong malusog na tsibog. at sana din wag ka masanay na kumain ng panis. deserve mo naman bilang isang tao, gaano ka man kagutom, ang isang maayos na pagkain. wag mong maliitin ang sarili mo.Img(084)

4 thoughts on “panis naman talaga ang carper eh

  1. ang swapang kasi nila..
    kawawa naman ang mga
    magsasaka na deserving magka roon ng
    sariling lupa.

    kita naman na masmahirap ang trabaho ng mga
    magsasaka pero mas maliit ang kinikita nila
    kumpara sa may mga hacienda.

    a aadd kita sa link kow Otom

  2. Aral ka pa. Basa ka pa. Alamin ang Marxismo at ang yugto yugtong takitika at estratehiya sa paglulunsad ng rebolusyon. halatang wala kang alam bukod sa isloganeering mo.

    Aralin mo rin ang 12 point program ng NDF. Baka magulat ka na bangga ang GARB mo sa taktikal na yugto ng pakikibaka. Hirap kasi sa mga katulad mo, puro leaflet ang binabasa mo, puro maling turo ng mga PO mo ang sandigan ng katotohanan. Pustahan tayo, hindi mo kaya makipag debate sa mga pro-CARPER at halatang madudurog ka. Kaya dito ka nagkakasya. hahaha

  3. nagpramis na ako sa aking sarili na di na mkikidebate sa mga kumakain ng panis. para ano pa? eh, pinili na nilang kumain ng panis, anu pa maeexpect ko? gudlak na lang sayo.

  4. maari rin silang patulan stum, kahit panis ang kanilang kinakain. kahit gaano ka-hardcore na repormista, soc-dem, o kung anumang linyang-pampulitika ang pagka-Kontras nila, eventually ay wala silang choice kundi matauhan.

    minsan, sa simpleng bottomline na takot at hindi na sila handa sa sakripisyo at mahirap na agos ng pakikibaka kaya napipilitan silang kumain ng panis. napipilitan lamang ang mga iyan. maniwala kayo sa kin. sa likod ng mga bao ng kanilang ulo, alam nilang panis ang kinakain nila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s