Limang Libo ang nasa Ayala Kahapon, [sabi ng PNP]

Pakituruan namang magbilang ang ating pambansang kapulisan. Wala na nga silang opinyon at paninindigan, hindi pa nila alam kung gaano kadami ang limang libo. Maawa tayo sa mga invertebrate na ito. Ganyan talaga ang mga walang backbone na sunud sunuran lang sa chain of command. Ikakababa siguro ng kanilang ranggo kung sasabihin nilang, ” Putek, andameng nagpunta sa rally kontra Con Ass/ ChaCha.”

Partida pa nga yung nasa Ayala nung araw na yun eh. Yan pa yung mga di mashadong sosi na ok lang kahet pawisan ang kilikili nila. Yan yung mga keber lang na kalyuhin ang mga cute na paa. Yan yung mga keber lang sa amoy ng inihaw na pusit at keber mapaso sa mga lutuan ng mga nagtitinda ng mais at mani. Yan yung mga konti pa lang ang absent kaya keri lang. Yan yung mga magiting na nakadiskarte ng pamasahe.

Wala pa jan yun mga di maka-absent at maraming gawain sa opisina. Wala pa jan yung mga may sakit at mga bedridden dahel tinatamad. Wala pa jan yung mga nag-lie low na agitated habang nanunuod ng TV. Wala pa jan yung mga nagsimba sa Baclaran. Wala pa jan yung mga Internet Activist na sa Facebook nakikiupdate.

Teka, baka naman mga pulis at mga civilian agents yung tinutukoy niya?

Sila siguro yung binabanggit na limang libo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s