Para Kay Axel

Ewan ko kung nabalitaan niyo na yung nangyari kay Axel Pinpin aka Antoy the Rakstar.

Yung binabanggit ko eh hinde yung tungkol sa misteryosong texter niya na alam ang lahat ng ginagawa niya, ang tinutukoy ko ay ang pagkaka-confine niya sa East Ave. Linggo ata sha dinala dun. Isang araw bago mag-SoNA. Kaya naman obyusli ay wala sha sa Commonwealth nung araw na iyon,

tutula pa nga sana sha nun.

Hindi pa ako nakakadalaw kaya di ko pa alam ang buong detalye [kung nandun pa ba sha, kung anung floor, kung anung room, kung wifi zone ba at nakakapag-internet sha].

Ang alam ko lang hindi libre ang magkasakit. Hindi libre ang serbisyo ng mga duktor at mga nurse. Hindi libre ang paghiga niya sa kama at pagtulog sa kwarto. Hindi libre ang mga gamot na ipinagyayabang ni “Hindi-Pussyfoot” na si GMA. At hindi sha namamasyal lang at nagpaparty.

Ang KM64 sa pakikipagtulungan ng Artists’ Arrest, bilang isa sa mga pinakamalapit na tropa ni Axel ay nagpaplano ng isang fundraising/ benefit gig para kay Axel. Gaganapin ito sa Conspiracy Bar, Visayas Ave. August 4 6-9pm.

Wala pang detalye kung magpapatiket, o kung anung paraan ang gagawin para makalikom ng tulong. Basta sisikapin natin na lahat ng pedeng maimbag ay dadalhin naten sa gabing iyon pera man o pagtatanghal.

note: magkakaron kami ng brainstorming/ tambay/ planning regarding dito, sa linggo sa foodcourt ng Gateway sa Cubao alas kwatro ng hapon. kung malapit lang kayo makitambay sa amin, at magbato ng mga ideas. thanks.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s