Relief Ops

Kasabay ng napakamadaming kwentong kabayanihan, ka-generousan, ka-concernan, nagsilitawan din na parang mga waterlily na inanod sa mga tumana ang saring saring kwentong papogian sa relief operations.

Nariyan yung mga relief goods na may sticker galing kay senator ganito. nariyan yung mga tent na galing kay mayoralty candidate ganito. Nariyan yung mga plastic bags na nakabalandra yung pangalan ng isang higanteng istasyon at ng kanilang foundation. Nandyan din ang naglitawang tarpaulin ng mga organisasyon at mga grupo na nagsasagawa ng relief operations. Nakakalat din sa Facebook yung mga litrato at video ng pamamahagi ng tulong.

May bago ba dito? Nagtataka pa din ba tayo?

Napaka-normal na sa bayang ito na ipangalandakan yung mga ginagawa nilang kabutihan. Napaka-exceptional na yung isesecret pa yung efforts nila.

Maliban sa mga secret admirers, sino pa ba ang hindi naglalagay ng pangalan sa coming-from-portion ng regalo?

Una, lahat na ata sa bansang ito ay ninanakaw. Mula pondo ng mga waiting shed hanggang sa isang piraso ng yellowpad, kinukupit. Kaya baka nakawin ng iba ang kredito. Anu yun? gumastos ka tas, ito yung isang mokong, aariin na kanya yung kabutihang yun? Kesa iba ang makinabang.

Buttomline? sa panahon ngayon napakadami ang nangangailangan ng tulong. Yung mga binibigay na plastic plastic, maswerte na kung umabot ng isang araw. Anumang tulong, regardless sa agenda at intensyon, dapat pasalamatan. Tama lang yun, mabawasn man lang yung pera nila [naten?]

Yung mga naghahakot ng mga bibigyan daw ng tulong sa harap ng Saksi at Tv Patrol pero pagkatapos mai-ere ang kanilang pinagmamalaking generosity ay biglang mauubusan?

Ibang istorya yun.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s